Sunday , November 9 2025
Rufa Mae Quinto

Rufa Mae nagsuka, sumakit ang ulo matapos sumuko sa NBI

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBINALIK si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos sumuko at magtungo sa Pasay Regional Trial Court para sa medical check-up.

Pagbabalita ng legal counsel ng aktres na si Atty. Mary Louise Reyes, sumama ang pakiramdam ni Rufa Mae.

“This morning, panay siya suka. Siguro –I don’t know if it’s jet lag, or siyempre kahit alam mong inosente ka, pagdadaanan mo ‘yung ganitong sitwasyon,” anang abogado sa isang interview.

“My client is a victim kasi nga siya rin po mismo, hindi siya nabayaran pa, which is aasikasuhin ko rin after this case. Focus muna kami, one step at a time.

“Tapusin muna namin itong case and then, aasikasuhin na namin ‘yan –‘yung mga hindi pagbayad sa kanya ng Dermacare.” pahayag pa ng legal counsel ng aktres.

Bago ito’y nagpunta sa korte si Rufa Mae noong Miyerkoles, Enero 8, para maglagad ng piyansa, P1.7-M ngunit hindi natuloy dahil napagsarahan sila ng tanggapan.

“We’ll have a hearing sa motion for investigation na nai-file ko – very urgent motion for reinvestigation. We are very confident naman and hopefully ma-grant nga itong motion para at least mabigyan ng chance si Rufa na ma-refute ‘yung mga allegations laban sa kanya,” giit pa ni Atty. Reyes.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …

Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABILni John Fontanilla NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will …

Ysabel Ortega

Ysabel takot sa elevator, gustong gumanap na vampire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY trauma pala sa elevator si Ysabel Ortega. Ito ang nalaman naman …

Viva Movie Box

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo …

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …