Wednesday , November 12 2025
Mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine Sa Bulacan hinatiran ng tulong ng UAE

Sa Bulacan
Mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine hinatiran ng tulong ng UAE

PARA makabangon ang mga nasa agrikutural na komunidad matapos ang hagupit ng nagdaang Tropical Storm Kristine at iba pang hamong pang ekonomiya, namahagi ng may kabuuang 3,000 kahon ng essential goods sa mga Bulakenyong magsasaka sa lalawigan ang United Arab Emirates sa pangunguna ng Emirates Red Crescent sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos.

Inihatid ng mga kinatawan mula sa UAE ang tulong na kinabibilangan nina G. Obaid Ahmed Alshehhi, Unang Kalihim ng Embahada ng UAE sa Maynila, at G. Motaz Mohamed Salih Mustafa Mohamed Salih, pinuno ng programa ng Emirates Red Crescent.

Ipinamahagi ang 3,000 kahon sa mga pre-identified farming communities sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan, na naglalaman ng limang kilong bigas, food supplies, hygiene items at iba pang pangangailangan.

Sa kanyang mensahe, personal na inihayag ni Fernando ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng UAE para sa kanilang tulong sa sektor ng pagsasaka sa lalawigan.

Binanggit ni Fernando ang kanyang plano na i-level up ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pasilidad sa Doña Remedios Trinidad gaya ng Productivity Center, Breeding Center at Multiplying Center, na kapwa magpapalakas sa pagiging produktibo ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng pataba, punla, at paghahayupan.

Samantala, nakapagtala ang Provincial Agriculture Office ng may kabuuang P561,695,711.45 damages sa agrikultura na nakaapekto sa 3,388 magsasaka at mangingisda matapos ang paghagupit ng Tropical Storm Kristine. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …