Sunday , October 13 2024
Pandi Bulacan karosa

Sa Singkaban Festival 2024
Summer themed na karosa ng Pandi nangibabaw sa parada

BILANG pagkilala sa umuusbong na reputasyon bilang pangunahing leisure destination, gumawa ng alon ang Bayan ng Pandi bilang top winner sa kanilang makaagaw pansing karosa na may temang water parks at wave pool sa Parada ng Karosa na ginanap sa harap ng Gusali ng Pamahalaang Panlalawigan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Bilang pinakamahusay na karosa ngayong taon, nag-uwi ang Pandi ng premyong P100,000, tropeyo at mga produkto mula sa Sunnyware Philippines habang ang Group of Bulacan Events Professionals ang nanalo ng ikalawang pwesto na may premyong P70,000 at Guiguinto sa ikatlong pwesto, kapwa tumanggap din ng mga tropeyo.

Sinabi ni Pandi Tourism Officer Maria Jemabelle Bagay na nakabuo sila ng kanilang sariling konsepto na itinatampok ang mayamang turismo at pamanang kultural ng Bulacan na nagpamangha sa mga hurado at mga manonood.

“Pinag-isipan po namin mabuti ang theme na ilalaban namin and since sa Bayan ng Pandi makikita ang maraming private resorts and biggest wave pool, naisipan po namin na tourist destination po ang i-feature po namin ngayong taon,” aniya.

Samantala, tumanggap din ng consolation prizes ang mga lahok na karosa ng Angat, Bocaue at Lungsod ng Malolos na may tig-isang P20,000 at tropeyo.

Isa ang Parada ng Karosa sa kilalang patimpalak sa Singkaban Festival na nilahukan ng 19 competing floats at 13 non-competing floats mula sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan at mga organisasyon na ipinagdiriwang ang sining, kultura, kasaysayan at turismo ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tao Yee Tan Marian Capadocia LA Canizares Pia Cayetano Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Wagi sa Asia Pacific Padel Tour – Singapore; Tan-Capadocia unang All-Filipina Champions

Kampeon ang Padel Pilipinas at National Team Members na sina Tao Yee Tan at Marian …

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …