Friday , October 4 2024
Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nasasanay na sa pagtanggap ng int’l award — I don’t work for awards; Maine ‘di pa buntis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa buntis si MaineIto ang nilinaw ni Quezon City 1st District Rep Arjo Atayde ukol sa kanyang misis na si Maine Mendoza.

Marami kasi ang nagtaka sa biglang pagkawala ni Maine sa afternoon show na Eat Bulaga kaya marami ang nag-isip na baka buntis ito. 

Ang dahilan pala ng pagkawala sandali ni Maine sa EB ay dahil nag-out of the country ang mag-asawa.

Sa thanksgiving/early Christmas party ni Arjo sa entertainment press noong September 13, kasama ang kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde nilinaw ng aktor/politiko na, “Ay hindi po, it’s just really a vacation for our first wedding anniversary.

I don’t want to disclose na. But definitely, we talked about those things, and definitely in due time.

“I just have some priorities for now, ‘cause elections are coming. In due time. That’s one thing of course, that we’re looking forward to, to have our own family,” tugon ni Arjo nang matanong kung kailan nila plano na magkaroon ng baby.

Samantala, muli na namang ipinamalas ng actor-public servant ang kanyang status bilang internationally-acclaimed artist, matapos ang kanyang pagkapanalo sa 2024 ContentAsia Awards.

Itinanghal na Best Male Lead in a TV Program/Series si Arjo para sa kanyang pagganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer.

Ang Cattleya Killer ay isang Filipino crime-thriller series mula sa ABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video noong June 1, 2023.

Ito ay idinirehe ni Dan Villegas at isinulat ni Dodo Dayao. Ang istorya ay ukol sa murder investigation na konektado sa lumang kaso sangkot ang isang notorious serial killer.

Pinagsama ng show ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang koneksyon nila sa mga pagpatay.

Nakakuha ang show ng worldwide acclaim dahil sa gripping plot, high production value, at strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman nakaposisyon ang pelikula bilang isa sa mga most significant Filipino crime dramas in recent years.

Sa awards ceremony sa Taipei, sinabi ni Arjo ang kanyang heartfelt gratitude sa lahat ng tumulong sa nakamit niyang tagumpay.

Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series,” sabi ni Arjo.

Pinasalamatan ni Arjo ang kanyang pamilya, lalo na ang asawang si Maine, “It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here.

“Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this,” sabi pa ng aktor.

Pinasalamatan din niya ang Kapamilya Network, “To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po.”

Ang performance ni Arjo sa Cattleya Killer ang tumalo sa lima pang mga nominado para sa tropeo ng 2024. Arjo’s portrayal captivated both audiences and critics, with his nuanced take on Anton dela Rosa ultimately securing him the prestigious award.

Sa tanong kung nasasanay na ba si Arjo sa madalas na pagtanggap ng award abroad, ani Arjo, “I don’t think anyone will get used to this (international award). I don’t work for awards, I’m just enjoying what I do especially sa mga project na ginagawa ko. And naka-focus talaga ako kung anuman ang ginagawa ko,”

Ang pagkapanalo sa 2024 ContentAsia Awards ang latest na natanggap na internasyonal na pagkilala kay Arjo. Mula sa una niyang natanggap noong 2020 Best Actor sa Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman, na ginampanan niya ang papel ng isang barbero na sangkot sa mapanganib na mundo ng politika.

Si Arjo rin ang unang Filipino na nabigyang parangal ng pinaka-prestihiyosong platform para sa creative excellence ng rehiyon.

Maliban sa kanyang thriving acting career, nagsisilbi rin si Arjo bilang Representative ng Unang Distrito ng Quezon City, isang position na kanyang napanalunan by a landslide noong 2022 elections.

Ang kanyang commitment sa pag-arte at paging public servant ay nagpapakita ng multifaceted contributions sa Philippine society.

Sa kanyang unwavering passion at dedication, patuloy pang nai-inspire at ina-uplift ang Filipino film and television industry sa global stage.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

Salome salvi Emil Sandoval Tahong Candy Veloso

Romansang Salome Salvi at Emil Sandoval, totohanan na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY bagong pelikula ang Vivamax sexy actress na si Salome …

JMRTN RetroSpect

JMRTN ng RestroSpect gustong maka-collab sina Regine, Gigi, at Morisette

MATABILni John Fontanilla AFTER 26 years kasama ang kanyang sikat na grupong RetroSpect, nagdesisyong mag-solo ng …

Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABILni John Fontanilla AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Hello, Love, Again

KathDen movie kabi-kabila na ang inihahandang block screenings

REALITY BITESni Dominic Rea HINDI na rin paawat ang fans and followers ni Kathryn Bernardo huh! Sino-shoot …