Wednesday , September 11 2024
Bulacan Police PNP

10 law offenders timbog

SUNOD-SUNOD na nasakote ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, anim na wanted, at isang pinaniniwalaang karnaper sa iba’t ibang police operations na isinagawa ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) hanggang nitong Linggo ng umaga, 25 Agosto.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, OIC ng Bulacan PPO, nakasaad na ikinasa ang magkahiwalay na anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Hagonoy at Angat MPS na ikinadakip ng tatlong personalidad sa droga.

Nakompiska sa operasyon ang kabuuang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, tatlong sachet ng hinihinalang marijuana, drug paraphernalia, at buybust money.

Gayondin, naaresto ang anim na indibiduwal na wanted ng batas sa iba’t ibang manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng San Jose Del Monte, Meycauayan, Plaridel, at San Ildefonso C/MPS at CIDG.

Dinakip ang mga suspek para sa kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 , Qualified Theft, Acts of Lasciviousness, at Attempted Murder.

Samantala, nakorner ang isang 28-anyos lalaki ng mga operatiba ng San Jose Del Monte CPS dahil sa kasong paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnapping Law na naganap sa Brgy. Gaya-Gaya, lungsod ng San Jose del Monte, dakong 12:30 am nitong Sabado.

Inihahanda ang mga kasong isasampa sa korte laban sa mga naarestong suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting stations. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

PNP PRO3

Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye

SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …