Wednesday , September 18 2024
December Avenue KathDen

December Avenue may kanta muli sa KathDen

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HANDA at gusto ng December Avenue na muling maghandog ng awitin para magamit sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love Again na kasalukuyang nagsu-shoot ngayon sa Canada.

Sa Sa Ilalim ng mga Bituin presscon ng December Avenue kahapon ng hapon sa Okada Manila (ang official residence ng December Avenue para sa kanilang August 30, 2024 concert) sinabi ng grupo na hindi nila inaasahan na makagagawa ng kanta para sa KathDen.

Ang awiting Kung Hindi Lang Din Ikaw na theme song sa Hello, Love, Goodbye ang unang kantang ginawa ng December Avenue. Ang December Avenue ay binubuo nina Zel Bautista (vocalist and acoustic guitar), Jem Manuel (lead guitar), Don Gregorio (bass guitar), Jet Danao (drummer), at Gelo Cruz (keyboards).

Anila, si Direk Cathy Garcia Sampana mismo ang nag-request sa kanila na gumawa ng kanta para sa pelikula ng KathDen. 

At ngayong muling magsasama sa pelikula ang KathDen may awitin silang tiyak na babagay sa Hello, Love, Again, ang Paraya na ginawa nila at unang maririnig sa kanilang concert, ang Sa Ilalim ng mga Bituin sa Agosto 30, 2024 na gagawin sa MOA Arena.

“The title speaks for itself, hindi siya talaga related sa ‘Hello, Love, Again.’ And we didn’t expect na we’re asked to do a song para sa ‘Hello Love, Again.’ Si direk Cathy ang nag-reach out sa amin before. So, kung nag-reach out siya uli, magiging happy kami katulad before,” sabi ng December Avenue.

“‘Yung sa title ng ‘Paraya’ ‘yun na ‘yun eh. Nangyari talaga siya, sa sobrang…part of moving on. Nasulat ko siya tapos na lahat ng paghihirap, tapos na ang sakit. Hindi ko siya masulat during eh. So nang matapos na ang lahat dito ka, doon ka.

“Simple lang, the song is all about letting go of someone na sobrang mahal mo. At dahil sa sobrang pagmamahal mo sabi nga nila kung talagang mahal mo ang isang tao kung saan siya masaya, roon tayo pupunta,” sabi pa.

Ang release ng Paraya ay sa midnight ng December 31.

Sa kabilang banda, napag-alaman naming simula nang i-release ng NY Entourage Productions ang tickets para sa August 30 baka-65 percent na benta agas ito in just two hours, ang bongga.

Ngayon ay sold out na ang tickets kaya naisipan ng producer nilang si Nancy Yang ng NY Entourage Productions na magbukas SRO section. May upuan pa rin naman daw ito.

Kaya sa mga naubusan ng tickets, may chance pa kayo na makabili.

Ang Sa Ilalim ng mga Bituin concert ay ididirehe ni Paolo Valenciano, musical director since Nikko Rivera at  makakasama ng December Avenue ang City Lights Symphony Orchestra.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB

Age appropriate ratings ipinalabas ng MTRCB sa mga pelikulang mapapanood sa big screen

INILABAS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “mga rating na naaangkop sa edad” …

Sanya Lopez Dennis Trillo

Dennis nahumaling kay Sanya

RATED Rni Rommel Gonzales TULOY ang laban para sa pag-ibig, pamilya, at bansa sa high-rating …

Windows War

Widows’ War ‘di nauubusan ng pakulo

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI nauubusan ng plot twists at shocking revelations ang high-rating GMA …

Kyline Alcantara Kate Valdez

Bardagulan sa panghapong show ng GMA patok

RATED Rni Rommel Gonzales NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewer nitong Lunes (September …

Hyacinth Callado Bab Lagman

Hyacinth feeling safe kapag kasama si Gab

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL sina Heaven Peralejo at Marco Gallo ay may something romantic na, wala bang level …