Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Santos Ferdinand Topacio

Gerald Santos inaming na-rape ng isang musical director

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG takot na inamin ng singer/actor na si Gerald Santos na na-rape siya. Sinabi rin nitong hindi siya na-harass.

Sa pagharap ni Gerald sa Senate hearing kahapon, walang pagdadalawang-isip na inamin ng binata na na-rape siya bagamat hindi binanggit ang pangalan ng gumawa sa kanya niyon.

Ako ay na-rape po, your honor,” pag-amin  ni Gerald.

Aniya, ginahasa siya ng dating musical director ng isang TV network, 19 taon na ang nakararaan.

Sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media, na nag-iimbestiga sa mga kaso ng sexual abuse sa entertainment industry, naibahagi ni Gerald ang nangyaring panghahalay sa kanya ng hindi pinangalanang musical director.

Ako po ay hindi na-harass, hindi po na-abuse. Ako ay na-rape po. Na-rape po ako, your honor,” ani Gerald sa mga senador.

Sa tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kay Gerald ng, “There are a lot of definitions of rape. How did you say it was rape?

Sinagot ito ng singer ng, “Handa po akong ikuwento rito ang nangyari, pero ako po ay natatakot na baka ako ay balikan ng mga taong ito.”

Sinabi pa ni Gerald na nangyari ang insidente noong 2005 at 15 years old pa lamang siya noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline pinasok pagpo-produce ng pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY producer na rin ngayon si Angeline Quinto. Sa pagdiriwang ng kanyang …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …