Friday , September 13 2024
riding in tandem dead

Habang nasa clean-up drive
TSERMAN BUMULAGTA SA RIDING-IN-TANDEM

SA GITNA ng ginagawang clean-up drive pagkatapos manalasa ng Habagat at bagyong Carina, isang barangay chairman ang pinagbabaril ng dalawa kataong magkaangkas sa isang motorsiklo nitong Sabado ng umaga, 3 Agosto, sa bayan ng Angat sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Isagani Enriquez, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Wenceslao Bernardo, chairman ng Barangay Marungko, sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Angat MPS, nagsasagawa ng clean-up drive si Bernardo kasama ang mga kabarangay sa Sitio Tugatog sa Brgy. Marungko nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklong walang plaka.

Ayon kay P/Maj. Mark Anthony San Pedro, hepe ng Angat MPS, pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na tinamaan sa likod ng kaniyang ulo.

Naitakbo pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot.

Napag-alamang nakunan ng CCTV camera ang mabilis na pagtakas ng mga suspek patungo sa direksiyon ng bayan ng Bustos, sa naturang lalawigan.

Ayon kay San Pedro, patuloy pa rin ang backtracking nila sa mga kuha ng CCTV at tinitingnan ang lahat ng anggulo hinggil sa posibleng motibo sa pagpatay sa biktima dahil wala umanong natatanggap na banta sa buhay ang punong barangay.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang Angat MPS upang matukoy ang pagkakakalinlan at ikadarakip ng mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …