Sunday , June 22 2025
marijuana

Bulacan police muling umiskor…
PHP1-M HALAGA NG ‘OBATS’ NAKUMPISKA; 8 TULAK NASAKOTE

MULING nahadlangan ng mga awtoridad sa Bulacan ang pagkalat ng iligal na droga sa lalawigan matapos maaresto ang walong tulak at makumpiska sa kanilang pag-iingat ang mahigit isang milyong halaga ng shabu  kahapon ng umaga, Hunyo 19.

Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, isang anti-illegal drug operation ang ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit ng San Jose Del Monte City Police Station na nagresulta sa matagumpay na pagkaaresto sa walong tulak ng iligal na droga sa Zone 1, Capili compound, Brgy. Grace Ville, City of San Jose Del Monte, Bulacan, bandang ala-1:00 ng madaling araw kahapon.

Nakumpiska ang kabuuang labing-isang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, humigit-kumulang 230 gramo ang bigat na may standard drug price na Php 1,564,000.00, tatlong piraso ng Php 1.000.00 na orihinal na bill na ginamit bilang marked money, at isang belt bag

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri, habang ang naaangkop na mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa Article II, Section 5, at Section 11 ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 , ay inihanda laban sa mga suspek para sa pagsasampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

San Jose del Monte CSJDM Police

Tatlong armado arestado
2 sekyu nailigtas sa mabilis na aksyon ng pulisya

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa …

Bulacan Police PNP

Sa 24-oras na operasyon ng pulisya, 6 wanted sa batas nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang anim na indibidwal na na pinaghahanap ng batas sa …

No Firearms No Gun

Kawatan nanlaban, sapul sa pakikipagpalitan ng putok sa mga parak

SUGATAN ang isang lalakin matapos makipagpalitan ng putok kasunod ang mabilis na pagresponde ng mga …

ArenaPlus basketball coaching clinic FEAT

ArenaPlus empowers coaching clinic shaping future basketball champions

The future of basketball is bright as ArenaPlus, the country’s best sportsbook, partnered with coach …