Saturday , April 19 2025
Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker
ANG mga bangka ng mga mangingisdang Pinoy habang nagbababa ng kanilang huli sa fishport ng Matalvis, sa Masinloc, Zambales at ang 77-anyos mangingisda na si Ricardo Legazpi, taga Sto. Rosario, Masinloc. (GERRY BALDO)

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia.

               Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang Scarborough Shoal mula nang nagbanta ang China na huhulihin nila ang mga Pinoy at ibang lahi na pumasok sa inaangkin nila karagatan.

“Papaano natin sila tutubusin…baka sa China pa,” pahayag ni Lim sa isang pampublikong pagdinig ng Kamara de Representantes na ginanap sa munisipyo ng Masinloc sa Lalawigan ng Zambales noong Biyernes.

Ayon kay Lim, malaking bangka ang maaaring solusyon sa kasalukuyang suliranin ng mga mangingisda ng  Masinloc na dumaraing na sa kawalan ng hanapbuhay.

               Ayon sa mga kongresista na dumalo sa pagdinig bubuo sila ng  “inter-agency panel” na tutugon sa mga hinaing ng mga mangingisda.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., ang joint hearing ng House committees on national defense and security at ng special committee on the West Philippine Sea ay naging emosyonal.

“Malapit na naman ‘yung budget season. Narinig natin iyong ating mga fisherfolks. So, rest assured that we will form an inter-agency (panel) para magkaroon ng kasagutan itong kahilingan at kanilang mga nararamdaman,” ani Gonzales.

Para kay Iloilo Rep. Raul “Boboy” Tupas, vice-chairperson ng Committee on National Defense and Security, ang problema ng mangingisda ay nangangailangang ng sama-samang pagtulong ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon sa mga mangingisda, binigyan sila ng bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) pero “pang ilog lamang ito.”

“Complex po ang isyu na ito, complex po ang problemang ito. Kaya kailangan po natin ng tulong ng maraming ahensiya ng gobyerno. Ang puwede po nating approach na makuha rito, interagency or even multi-sectoral approach,” ani Tupas.

Para kay Rep. Robert “Ace” Barbers ng Surigao del Norte at Rep. Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, ang suliranin ng mga mangingisdang Pinoy ay nag-umpisa sa tinaguriang ‘gentlemen’s agreement’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Presidente ng China na si Xi Jingping. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …