Sunday , January 19 2025
Bulacan Police PNP

2 durugistang tulak, 14 pa nalambat ng Bulacan police

Nagsagawa ng matitinding operasyon ang Bulacan PNP na nagresulta sa pagkasamsam ng libong pisong halaga ng iligal na droga at pagkaaresto sa mga tulak nito sa lalawigan kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga Enero 5.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang isinagawang drug buy-bust operation ng Plaridel MPS sa Brgy Dampol, Plaridel, Bulacan ay humantong sa pagkakaaresto ni Alyas Rey,  49, tricycle driver na mula sa Dasmariñas, Cavite.

Nakumpiska sa naarestong suspek ang labing-anim na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa Php 45,560 base sa Standard Drug Price, kasama ang marked money.

Bukod pa rito, isang Alyas Pugo, 34, isang foreman, ang inaresto ng San Ildefonso MPS matapos makipagkalakalan ng droga sa mga operatiba.

Nasamsam sa kanyang posesyon ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa Php 17,000 (SDP), kasama ang mga drug paraphernalia, baril at mga bala.

Higit pa rito, ang mga operasyon laban sa iligal na droga ay humantong sa pag-aresto sa labing-apat (14) pang indibiduwal na sangkot sa ipinagbabawal na kalakalan ng droga.

Nakumpiska ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Bustos, San Ildefonso, San Rafael, Angat, Guiguinto, at SJDM C/MPS ang kabuuang limampu’t siyam (59) na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 71,800 (SDP), at bust money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …