Thursday , December 7 2023
Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

PATAY ang isang estudyante habang sugatan ang isang pasahero  makaraang araruhin ng isang pampasaherong bus ang loob ng terminal ng isang mall sa Barangay Ibayo, Balanga, Bataan kamakalawa ng gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Balanga City Police Station {CPS, nakaparada ang bus sa terminal nang biglang matapakan ng drayber ang accelerator pedal dahilan para ito ay umandar at bumangga sa pader na bumagsak sa mga naghihintay na mga pasahero.

Kinilala ang mga biktima na si Jen Orvial Titulo, 20-anyos, residente ng Cabcaben, Mariveles, Bataan isang estudyante, na idineklarang dead-on-arrival sa ospital habang nagtamo naman ng mga sugat sa dibdib, likod, at leeg ang isa pang lalaking pasahero na nagpapagamot ngayon.

Kaugnay nito ay napag-alamang mahaharap ang bus driver sa mga reklamong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury, at damage to property.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamunuan ng naturang mall at iba pang ahensya para sa patuloy na imbestigasyon sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …