Saturday , April 26 2025
arrest prison

3rd most wanted person sa Bulacan naiselda

SA makabuluhang operasyon ng mga tagapagpatupad ng batas sa Bulacan ay matagumpay na nadakip ang isa sa most wanted na pugante sa lalawigan nitong Oktubre 2.

Sa sama-samang pagtutulungan ng pulisya sa Bulacan na pinamumunuan ni Police Colonel Relly Arnedo ay nagresulta sa pagkahuli sa highly priority target na 3rd most wanted sa lalawigan.

Sa inilatag na police operation dakong alas-9:40 ng gabi, ang mga operatiba  ay isinakatuparan ang Warrant of Arrest laban kay Regie Canoza y Manabat, na nakatala bilang 3rd most wanted person sa provincial level sa Bulacan PPO. 

Si Canoza ay nasakote sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan kaugnay sa kinakaharap nito na mga kasong Frustrated Murder at Frustrated Homicide sa ilalim ng  Criminal Case Numbers 4921-M-2023 at 4922-M-2023. 

Para makalayang pansamantala, ang akusado ay inirekomenda ng hukuman na magpiyansa ng halagang Php200,000.00 para sa Frustrated Murder at Php72,000.00 para sa Frustrated Homicide. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …