Friday , September 20 2024
shabu drug arrest

P3.4-M shabu, itinago sa inodoro ng fast food, ex-con buking

BALIK-SELDA ang 49-anyos ex-convict nang mahuli sa aktong kinukuha ang P3.4 milyong halaga ng shabu na inilagay sa flush tank ng inodoro sa isang fast food restaurant sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station (PS 3) chief, P/Lt. Col. Mark Ballesteros, bandang 2:00 pm nang arestohin ang suspek na si Ariel Dansindan, 49, residente sa Paete, Laguna, sa isang fast food restaurant sa Quirino Highway, Novaliches.

Nakatanggap ang pulisya ng tawag mula sa mga security guard ng restaurant na may isang lalaki ang kahina-hinala ang ikinikilos habang labas-masok sa kanilang banyo.

Dahil dito, agad nagtungo ang mga operatiba sa restaurant at doon ay naaktohan ang suspek habang kinukuha ang dalawang malaking plastic ng shabu sa loob ng flush tank ng inodoro kaya agad siyang naaresto.

Nabatid na nakulong sa kasong murder ang suspek noong 1996 sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

2024 Handa Pilipinas Mindanao Leg

2024 Handa Pilipinas: Mindanao Leg

Innovations in climate and disaster resilience nationwide exposition 02-04 OCTOBER 2024 | KCC Convention Center, …

Philippine Reclamation Authority PRA Bagong Pilipinas

PRA suportado, tutuparin Bagong Pilipinas vision

IBINIDA ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong …

Allan De Castro Jeffrey Ariola Magpantay Catherine Camilon

Ex-police major, aide/driver arestado sa pagkawala ni Camelon

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Arestado ng mga local na awtoridad ang nasibak na police …

Jasmin Bungay

BPCI nanguna sa publilc send off kay Bb. Pilipinas – Globe 2024 para sa kompetisyon sa Albania

PINANGUNAHAN ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) kasama ang mga tagahanga at tagasuporta ng patimpalak …

Bong Revilla blood letting

Dugo dumanak sa QC sa kaarawan ni Revilla

DUMANAK ang dugo kahapon, 18 Setyembre 2024, sa Quezon City nang idaos sa Amoranto Sports …