Sunday , July 13 2025
shabu drug arrest

Sa Hermosa, Bataan
PHP680K HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA, 2 DRUG PEDDLERS NASAKOTE

Dalawa na sinasabing drug peddlers ang arestado ng mga awtoridad at humigit-kumulang sa 100 gramo ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Hermosa, Bataan, kamakalawa.

Magkasanib na mga operatiba ng Hermosa MPS, PPDEU Bataan at 1st PMFC Bataan ang nagkasa ng buy bust operation sa Brgy. Culis, Hermosa, Bataan na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang personalidad na nasa watch-listed na kinilalang sina Florencio Malicdem at Marissa Reyes.

Nakumpiska mula sa dalawa ang isang small-sized na pakete ng plastic at dalawang knot-tied plastic bags na kapuwa naglalaman ng pinaghihinalaang shabu may timbang na humigit kumulang sa 100 gramo at tinatayang may halagang  Php680,000.00, at Php1,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Kaugnay nito ay pinapurihan ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo ang kanilang tropa sa isinagawang mahusay na trabaho na aniya pa ay nagpapakita ng kanilang matagumpay na kampanya laban sa iligal na droga na nakabase sa BIDA Program ng DILG,.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …