Monday , October 2 2023
Chinese national arestado sa pagbebenta ng mga pekeng smartphones

Chinese national arestado sa pagbebenta ng mga pekeng smartphones

Dinakip ng mga tauhan ng Angeles City Police Station (CPS) ang isang Chinese national dahil sa pagkakasangkot nito sa bentahan ng mga pekeng smartphones sa Angeles City kamakalawa.

Kinilala ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, ang suspek na si Zeng Yunshi, Chinese national, 49, at pansamantalang naninirahan sa Metro Manila na inaresto ng mga operatiba ng Angeles City Station 3 sa pamamagitan ng ikinasang entrapment operation sa harap ng Jaoville Compound, Brgy. Pandan, Angeles City.

Lumitaw sa imbestigasyon na isang “Rachell” ang bumili ng brand new iPhone 14 Pro Max mula kay Zeng para sa halagang Php11,000.00. 

Pero nang suriin ng biktima ay natuklasan niya na hindi ito orihinal at isa lamang clone o kopya.

Sinikap ng biktima na tawagan si Zeng pero wala itong sagot. kaya napilitan na siyang isumbong ang mapanlinlang na transaksiyon sa mga awtoridad.

 Dito na ikinasa ang entrapment operation kung saan isang alyas “Jess”, na kaibigan ng biktima ang bumili ng isa pang smartphones kay Zeng at napagkasunduan nilang magkita sa harap ng Jaoville kung saan ang suspek ay inaresto ng operating team.

Ang mga kinakailang dokumento para sa kasong Estafa ay inihahanda na laban sa suspek na nakatakdang isampa sa korte.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …