Wednesday , January 15 2025
VivaMax VivaOne

Viva bumuo ng isa pang streaming platform; ipinagbubunyi 7M subscribers ng Vivamax 

ni MValdez

BILANG isang malaki at matibay na institusyon sa industriya ng pelikula, tuloy-tuloy ang Viva sa paghahatid ng de kalidad na materyal sa pamamagitan ng streaming platform.

Noong 2021, itinatag ang Vivamax at ngayon ay mayroon na itong 7 million subscribers. Namamayagpag ang Vivamax  bilang no.1 local OTT service sa Pilipinas.

Kamangha-mangha ang mabilis na pagkamit ng tagumpay na ito. Sa loob lamang ng walong buwan simula nang itinatag ang Vivamax noong Pebrero 2021, umabot agad sa 1 milyon ang subscribers nito noong Oktubre.

Sa pagpasok ng Enero 2022, mayroon ng 2 million subscribers. Bago matapos ang taong 2022, ang bilang ng subscribers ay umakyat na sa 5 milyon. At nito lang Mayo 2023, naabot na ang 7 million mark.

Patuloy pang lumalaki ang numerong ito.

Sa kasalukuyan, ang Vivamax ay may 408 na mga pelikula, at bawat linggo ay may bagong titulong ipinalalabas. Mapapanood ang Vivamax sa 100 bansa at territoryo (Asia, Middle East, North America, Europe, Oceania, China, Africa and Central / South America). Vivamax ang tiyak na pinipili para makapanood ng mga pelikula o serye na para sa mga mature audience.

Sa pamamagitan ng Viva One, mapapanood naman ang mga pelikulang pampamilya at maging pambata.  Ito ay ipinakilala noong Pebrero at sa loob lamang ng tatlong buwan, mayroon na agad itong 500,000 subscribers. Malapit na ring magkaroon ang  Viva One ng sarili nitong app. Mas madaling mag-download at magmadaling mag-subscribe.  

Sa pagkakaroon ng dalawang magkabukod na streaming app (VIVAMAX at VIVA ONE), mas naging matibay pa ang puwesto ng Viva sa local video streaming industry.  

Tulad ng Vivamax, taglay din ng Viva One ang mga ‘di malilimutang pelikulang gawa ng Viva. Rito rin ipalalabas ang mga pinakabagong titulo tulad ng Martyr or Murderer ni Darryl Yap. Pinalalabas na rin ang seryeng The Rain in España, ang una sa anim na libro mula sa sikat na University series sa Wattpad na may pinagsama-samang 580 million reads. Ipinakikilala ng hit series na ito ang hottest new loveteam ng Viva na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Ang iba pang malalaking titulong dapat abangan ay ang Deadly Love, na pinagbibidahan ng award winning actress na si Jaclyn Jose, kasama sina Marco Gumaboa at Louise delos Reyes, at Roadkillers, na bibida naman ang MMFF Best Actress na si Nadine Lustre.  

Ito ang mga dapat abangan ngayong 2023 sa Vivamax AT Viva One: Brillante Mendoza’s Hosto and Japino(Japanese Pilipino); Joey Reyes’ Secret Campus and  Choose(y) Me; McArthur Alejandre’s Call Me Alma and BurleskJerry Lopez Sineneng’s Rita; Yam Laranas’ Bugaw; Topel Lee’s Tayuan; Law Fajardo’s Ben and Ana and Erotica Manila 2; Roman Perez Jr’s Litsoneras, Kamadora; Ian Arondaing’s  Mamalakaya; GB Sampedro’s  Hilom, High on Sex 2 and Tuhog; Bobby Bonifacio’s  Sex Hub, Broken Desire and Kahalili; Pam Miras’ Star Dancer;  Jeffrey Hidalgo’s  Ilang; Rodante Pajemna Jr’s Punit Na Langit; Christian Paolo Lat’s Amok; Daniel Palacio’s LegitHugot and Totoy Mola; Ma-an L. Asuncion-Dagnalan’s Home Service; Paul Basinillo’s Sex Hurts; Carlo Obispo’s Bedspacer; at Ato Bautista’s Ahasss.

Sa Viva One’s Originals naman ay kaabang-abang ang mga pelikulang Roadkillers  at ang MMFF’s 2023 Award-winning movie na Deleter tampok si Nadine LustreSa Muli nina Xian Lim at Ryza CenonHello, Universe! ni Janno Gibbs; Always nina Kim Chiu at Xian Lim; Deadly Love nina Louise Delos Reyes, Jaclyn Jose, Marco Gumabao, Mccoy De Leon; Ikaw At Ako At Ang Ending nina Kim Molina at Jerald Napoles. 

Kasama rin sa Viva One ang Expensive Candy nina Julia Barretto at Carlo Aquino;  Kidnap for Romance ninaCristine Reyes at Empoy Marquez; Safe Skies Archer    Kung Hindi Lang Tayo Sumuko nina Carlo Aquino atColeen Garcia; Martyr or Murderer, My Father, Myself, Yorme, Beks Days of Our Lives, Working Boys 2: Choose Your Papa, Babaylan, Death By Desire, Mary Cherry Chua, Bahay Na Pula, Kung Pwede Lang, Adik Sayo, Kunwari Mahal Kita, The Last Five Years, Bakit Di Mo Sabihin, Sa Haba Ng Gabi, Barumbadings, Mahal Kita Beksman, Cup of Flavor,  Penduko, Instant Daddy, Itutumba Ka Ng Tatay Ko, The Ship Show, Forgetting Canseco, Nocturnos, Video City.

Mayroon ding mga international titles tulad ng Winnie The Pooh: Blood and Honey,   Decision To Leave, Remember, Agency, Confidential Assignment, Beautiful Disaster, at One True Loves.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aegis Mercy Sunot

Aegis inamin maninibago sa biritan sa pagkawala ni Mercy Sunot

RAMDAM namin ang lungkot habang kumakanta at tumutugtog ang magkakapatid na miyembro ng bandang Aegis. …

Gerald Santos

Gerald Santos tuloy kaso kay Danny Tan; nabunutan ng tinik nang humarap sa senado

HINDI paaawat sa pagsasampa ng mga kaso si Gerald Santos laban sa musical director na …

Rachel Alejandro Geneva Cruz Jeffrey Hidalgo Nasaan Si Hesus

Rachel, Jeffrey, Geneva ‘di nagdalawang-isip pagtanggap ng Nasaan si Hesus?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EXCITED pare-pareho sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …