Friday , September 22 2023
DANIEL FERNANDO Bulacan

Kahalagahan ng mental health awareness at pagsuporta sa gender equality, binigyang-diin ni Gob Fernando

Binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando sa harap ng libu-libong estudyante ng Bulacan Polytechnic College ang kahalagahan ng mental health awareness gayundin ang kanyang pagsuporta sa gender equality.

Ipinahayag niya ito sa isinagawang Gender Concept at Gender Quality Awareness and Stress Management/Mental Health Awareness Orientation sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kung saan sinabi din ng gobernador na ang pagkakaroon ng malusog na estado ng pag-iisip ay maaaring magdulot ng positibong pananaw sa buhay kung kaya’t mas magiging produktibo at matagumpay ang isang indibidwal .

“Mahalagang maintindihan natin bawat isa ang kahalagahan at kung paano natin aalagaan ang ating mental health dahil nakakaapekto ito sa ating pakiramdam, pag-iisip, at pang-araw-araw na pagkilos. Nakakaapekto din ito sa paraan kung paano i-manage ang stress, kung paano makipag-ugnayan sa kapwa, at paggawa ng mga desisyon sa buhay,” ani Fernando.

Samantala, pinangunahan nina Provincial Social Welfare and Development Office Assistant Department Head Anna Liza S. Ileto at Provincial Health Office – Health Education and Promotion Officer II Patricia Ann Alvaro ang talakayan sa posibleng negatibong epekto ng gender inequality at unhealthy mental state sa mga estudyante at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang paraan ng pamumuhay.

Humigit-kumulang 2,000 estudyante ng BPC mula sa iba’t ibang kampus sa Pandi, Bocaue, San Rafael, mga Lungsod ng Malolos at San Jose del Monte, Angat, Obando at San Miguel ang dumalo sa orientation gayundin sina BPC President Engr. Arman Giron, Campus Directors Victoria M. Sison, Jeffrey Basilio, Edgardo C. Villafuerte, Mary Grace Rafael, Nolly C. Consuelo at Laureen T. Santos.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …