Wednesday , September 27 2023
gun ban

74-anyos timbog sa loose firearms

ARESTADO ang isang senior citizen matapos mahulihan ng sandamakmak na baril at bala sa kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 18 Pebrero.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Romeo Carlos, 74 anyos, residente sa Brgy. Nabaong Garlang, sa nabanggit na bayan.

Dinakip si Carlos sa ipinatupad na search warrant ng pinagsanib na puwersa ng San Ildefonso MPS, 2nd PMFC, at PNP SAF 2nd SAB 25th SAC.

Inisyu ang search warrant laban sa suspek ng Malolos City RTC Branch 16 Regional sa paglabag sa RA 10591.

               Nakompiska sa bahay ng suspek ang isang Cal. 9mm pistol, tatlong pirasong magasin ng Cal. 9mm pistol, 112 pirasong bala ng Cal. 9mm, isang Cal. 9mm X9 Para sub-machine gun, isang piraso ng magazine para sa X9 Para sub-machine gun, isang Cal. 38 revolver, dalawang pirasong bala ng Cal. 38, walong pirasong bala ng Cal. 45, at walong pirasong bala ng Cal. 22.

Iniimbestogahan ng mga awtoridad kung bakit nagtataglay ng maraming baril at bala ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng San Ildefonso MPS habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Las Piñas City hall

Medical mission sa Las Piñas City 

ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal. Kahapon nagsagawa ang …

nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at …

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, …

ltfrb

Bastos na driver,  may kalalagyan — LTFRB

INILUNSAD kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang kampanya laban sa …