Tuesday , December 3 2024
Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nagbalik-‘Pinas para makapagpasaya

KITANG-KITA ang excitement ni Nick Vera Perez sa kanyang 1 Night Only Christmas Dinner Show…Nick Vera Perez Finally… Live! na ginanap sa Rembrandt Hotel noong Decembe 25.

After three years kasi’y ngayon lang uli nakauwi ng Pilipinas ang singer dahil sa pandemic. At sabi nga niya iba pa rin ang magbalik sa kung saan ka nagmula, ang lupang sinilangan, ang Pilipinas.

At after so many years, ngayon lang uli umuwi si Nick ng December sa Pilipinas. Madalas kasi ay June or July siya umuuwi ng Pilipinas para mag-show. Kaya naman sabi niya, gusto niyang makita muli ang mga ngiti sa mga kamag-anak, kaibigan niya.

 “In America I’ve seen so many connections with so many different people. But I realized whether you like it or not, you belong to a certain raise that you need to look back. And I try to look back at who am I really. And that’s being a Filipino. And the best way to celebrate of being a Filipino is to comeback to your country and celebrate that being a Filipino with them. 

“In my case it’s not about being successful in Nursing. You find success, it’s defend on what you want. Ako I want to see people’s faces happy. And going back to my roots, pinagtagpi-tagpi ko lahat. And it’s my happines when I see people smile.”

Iba nga naman kapag nakapagpapaligaya ka ng ibang tao. Bagamat nakikita naman ito ni Nick kapag umuuwi siya kapag nagso-show, iba pa rin ang Pasko sa ‘Pinas ‘ika nga ng marami.

Aminado si Nick na ibang fulfillment ang nararamdaman niya sa tuwing umuuwi siya ng Pilipinas. “Totoo iyon, iba ang fulfillment. Kahit na sinasabi ko sa nanay ko na, ‘Ma you know what, sometimes let’s not go back to Manila. Let’s enjoy  other countries. Pero iba ang Philippines. And this time, I said let’s try December. Umuuwi ako June or July for my show. At masasabi kong very happy ako ngayon na December kami nakauwi ng nanay ko.”

At sa pag-uwi nga ni Nick hindi show ang tinutukan niya kundi ang makasama ang kanyang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan.

“It’s all about spending time with my family. Kasi everytime in June or July or August when I came here it’s all about shows. Right now it’s for my family,” masayang pagbabaagi pa ni Nick.

Sa naganap na show, nakaka-touch ang pagbibigay-sorpresa ni Nick sa kanyang inang si Mommy Vi at nakaiiyak naman ang pagpapasalamat ni Mommy Vi sa kanyang anak sa pagmamahal nito at suportang inilalaan sa kanya.

Personal kasing inalagaan ni Nick ang kanyang ina nang magkasakit ito at iniwan ang pagiging Head Nurse para  maalagaan ang inang si Mommy Visitacion Tan.

Samantala, nakasama ni Nick sa kanyang sow sina JC Palanas na umawit ng Pasko sa Pinas at Sana Ngayong Pasko na sinundan ng mga awiting Bibingka at Officially Christmas ni David Briones.

Humataw din si Lumina Klum. At siyempre ang main event ay ang pagkanta ni Nick ng mga Christmas song. Maganda ang version niya sa awiting I’ll Be Home for Christmas. Ramdam namin ang saya niya na nakapag-Pasko siya ng Pilipinas. Almost 30 yrs. din palang hindi nakapag-Pasko sa ‘Pinas si Nick dahil matagal din silang namalagi sa Chicago, Illinois.

Sinundan niya ito ng mga awiting Oh, Holy Night, My Reason Is You, I Got Your Love This Christmas, Ikaw Lang Ang Mahal, 12 Days of Christmas, Laging Ikaw, Jingle Bell Rock, at Nothing’s Gonna Change My Love For You. 

Ang isa pang sorpresa ni Nick ay ang pagpapakilala sa kapatid na si Michael Philips na isa rin palang certified recording artist. Inawit ni Michael Philips ang Please Naman.

Nagbigay din kasiyahan sa show si Hannah Shayne Banzon na kumanta ng Kumukuti-Kutitap at Give Love On Christmas Day.

Maging ang alaga ni Anne Venancio na si Erika Mae Salas ay nagpaunlak din ng kanyang mga awitin. Kinanta ni Erika Mae ang Rocking Around The X-Mas Tree.

Bukod sa kantahan, nagkaroon din ang raffle at games. Namahagi si Nick ng cellphone, Luxent Gift Certificate, electricfan, kettle, iron, basket of groceries, chocolates, Wensha GC, at cash na P10K, P5K, P2K, P1K, at P500.

Binigyan din ng importansiya ni Nick and NVP Angels sa pamamagitan ng pagkorona kina Ms. Tine Parinas(Ms. NVP1SmileWorld 2020) at Ms. Chung Chai -Yu (Ms. NVP1SmileWorld 2022). Present din si Yadni Gumera Oledom (Ms. NVP1SmileWorld2019.)

Sa kabilang banda, magbabalik-‘Pinas si Nick para sa kanyang another concert na magaganap sa October 20, 2023. Ani Nick, target niyang maging special guest ang Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

InnerVoices

Bandang InnerVoices tuloy-tuloy sa paghataw, maraming aabangang pasabog

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Ang year 2024 ay masasabing banner year para sa bandang …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen

KathDen fans saludo kay Alden—sweet at marespeto

MA at PAni Rommel Placente AYON sa mga tagahanga ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang KathDen …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

Seth gustong makapagtapos ng pag-aaral; Francine uunahin ang pamilya

MA at PAni Rommel Placente ANG pelikulang My Future You mula sa Regal Entertrainment Inc., na pinagbibidahan nina Francine …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth Atty Keith Monteverde My Future You

Apo ni Mother Lily tiniyak FranSeth movie magugustuhan ng Gen Z

I-FLEXni Jun Nardo MAGANDANG tingnan bilang pares sina Francine Diaz at Seth Fedelin na  bida sa MMFF movie na My Future You. …

Vilma Santos UST Dr Augusto Antonio Aguila

Librong ililimbag ng UST para kay Ate Vi uumpisahan na, pictorial ikinakasa 

I-FLEXni Jun Nardo MALINAW na malinaw ang restored copy ng Dekada ‘70 nang magkaroon ito ng special …