Wednesday , November 29 2023
Police knocking on door

Pagbisita ng mga pulis sa mga mamamahayag ipinabubusisi ng oposisyon

PINAIIMBESTIGAHAN ng oposisyon sa Kamara de Representantes ang ginawang pagbisita ng mga pulis sa tahanan ng mga reporter.

Sa isang resolusyon na inihain ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang pagbisita ng mga pulis ay labag sa privacy ng mga reporter.

Sinabi sa House Resolution 484, ang pagbisita ng mga pulis sa mga bahay ng mga journalist ay  maitituring na “infringement of their right to privacy, as well as the right to information of the people, among others.”

Sa panig ni Rep. Edcel Lagman ng Albay, ang ginagawa ng mga pulis ay katulad ng “tokhang” at dapat itong itigil.

 “Crusading journalists need police protection from threats and harm, not police intrusion into their privacy,” ani Lagman.

“The recent unannounced visits of police officers, mostly in plainclothes, to the homes and studios of selected broadcasters is reminiscent of the intrusive and illicit ‘operation tokhang’ on drug suspects,” paliwanag niya.

Anang kongresista ng Albay, ang ginawa ng pulis ay isang uri ng “harassment” na dapat itigil dahil ito ay pamamaraan ng pagsupil sa malayang pamamahayag. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …