Tuesday , January 21 2025
shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 3 Oktubre.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jeffrey Concepcion ng Brgy. Loma de Gato, sa nabanggit na bayan, inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 79 ng RA 10591 (Philippines Firearms Law).

Nakompiska rin sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Habang inaaresto, nagtangkang makialam at humadlang sa paghahain ng warrant ang kanyang live-in partner na kinilalang si Lolita Nedia.

Isinama sa pagdakip si Nedia na nakompiskahan ng isa pang sachet ng hinihinalang shabu.

Dahil dito, nadagdagan ang kaso ni Concepcion kasama si Nedia na sasampahan ng mga kasong paglabag sa Sections 11 at 15 ng RA 9165 at Obstruction of Justice na isasampa sa Provincial Prosecutor’s Office sa Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Gun poinnt

‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan

PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang …

Lemery Batangas

Dinukot sa Makati
KOREANO NASAGIP SA BATANGAS

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Korean national sa Brgy. Mayasang, bayan ng …

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office ang isang …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Sa FPJ Panday Bayanihan: Interes ng tanod unahin

PARA sa mga tagapagtaguyod ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, higit na angkop isulong ng …

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …