Friday , December 1 2023
Singkaban 2022 Bocaue Bulacan

Hari at Reyna ng Singkaban 2022, sinolo ng Bocaue

SINOLO ng bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan ang mga titulo bilang Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa katauhan nina Jordan Jose San Juan at Zeinah Al-Saaby sa ginanap na Grand Coronation Night sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Sabado, 10 Setyembre.

Bukod sa titulo, iuuwi rin ng Hari ng Singkaban 2022 ang Best in Formal Wear, Mr. Photogenic, Best in Swimwear, at Smart Choice Award; habang napanalunan ng Reyna ng Singkaban 2022 ang Ms. Photogenic Special Award.

Kapwa nalulugod sa kanilang pagkakapanalo, pinasalamatan ng dalawa ang kanilang mga pamilya, handlers, at mga tagasuporta sa pagtitiwala sa kanila.

Nangako si Al-Saaby na isusulong ang turismo ng lalawigan habang patuloy na magiging inspirasyon sa kanyang mga kapwa kabataan si San Juan.

Nag-uwi ang Hari at Reyna ng Singkaban ng tig-P25,000 bawat isa; ang Hari at Reyna ng Turismo, Hari at Reyna ng Sining at Kultura, at Hari at Reyna ng Kasaysayan ay nagkamit ng P10,000 bawat isa; habang parehong nag-uwi ng P6,000 ang 1st at 2nd runners up.

Pinasalamatan at binati ni Gob. Daniel Fernando ang mga kalahok sa kanilang pagsisikap na ipakilala sa kasalukuyang henerasyon ang iba’t ibang tradisyon at pagdiriwang ng lalawigan ng Bulacan.

“Hindi malayo na sa susunod na panahon, sa inyong hanay ang mga international kings and queens dahil nililinang ng paligsahang tulad nito ang inyong kakayahan at kompiyansang dalhin ang inyong sarili at ipahayag ang inyong tunay na saloobin,” anang gobernador.

Dinoble niya ang premyo ng mga nagsipagwagi sa paligsahan.

Samantala, kinoronahan sina Hari ng Hagonoy Almer De Jesus at Reyna ng Sta. Maria Liza Gonzales bilang Hari at Reyna ng Turismo 2022, at parehong nagkamit ng Best in Talent at Best in Festival Costume awards.

Dagdag rito, iginawad ang Hari at Reyna ng Sining at Kultura 2022 kina Hari ng Obando Rei Aldrich Gregorio at Reyna ng Malolos Rian Maclyn Dela Cruz na nagkamit rin ng Best in Formal Wear at Best in Swimwear awards.

Gayondin, tinanggap ni Hari ng Malolos Adrian Joseph Arias ang Hari ng Kasaysayan at People’s Choice Award; habang nasungkit ni Reyna ng Pulilan Antonette Viktoria Leonardo Acosta ang Reyna ng Kasaysayan at Smart Choice Award.

Wagi rin sina Hari ng Meycauayan Keanu McGrath at Reyna ng Bulakan Jiensey Jeacann Arcillas bilang 1st runners up; sina Hari ng Paombong Rowel Christian Mendoza at Reyna ng San Rafael Sherenade Anne Gonzales bilang 2nd runners up; at Reyna ng Obando Jessa Louise Peregrina ng People’s Choice Award. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …