Thursday , November 30 2023
Edcel Lagman Leila De Lima

 ‘Trahedya’ sa demokrasya  
DE LIMA PINAGKAITAN NG BISITA SA KANYANG BIRTHDAY — LAGMAN 

ISANG ‘trahedya’ sa demokrasya ang ginawa ng pamahalaang FM Jr., nang ipagbawal ang pagbisita kay dating Senador Leila de Lima kanyang birthday kahapon.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman pinagkaitan si De Lima nang hindi papasukin sa kanyang kulungan ang mga pinakamalalapit na kaibigan niya.

“She was unreasonably deprived of the company of her closest friends and ardent defenders,” ani Lagman.

Kasama sa nga pinagbawalan bumisita ay sina dating Supreme Court Justice at Ombudsman Conchita Morales, human rights advocate Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno. Si De Lima ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Hindi, umano, naaprub ang request ni Diokno at  Morales na bumisita. Ang pinayagan lamang ay ang mga kamag-anak.

Hindi rin, umano, naaprub ang request nina dating Chief Justice Antonio Carpio, dating Senator Frank Drilon, Atty. Christian Monsod, Professor Winnie Monsod, dating  Secretary Mar Roxas, dating Congressman Tomasito Villarin at dating Secretary Julia Abad.

Ani Lagman, “every long day that passes with Sen. Leila still baselessly imprisoned tarnishes the human rights record of the Philippines.”

“We hope that this would be the last time Sen. De Lima will have her birthday in prison because every birthday in odious captivity is grossly tragic and an utter disaster for Philippine democracy and the rule of law,” ani Lagman. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Alden Richards Barbie Forteza, David Licauco Sanya Lopez

Alden bibida sa isang historical action-drama

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Alden Richards sa GMA 7, na isang historical action-drama …

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …