
NAGBABALA ang grupo ng Makabayan Blocs sa Kamara na paghandaan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa gitna ng walang humpay na pagtataas ng presyo ng gasolina.
Anila, ito umano, ang pamana ni Pangulong Duterte sa sambayanang Filipino.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang tunay na pamana ng administrasyong Duterte ay ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
“Ito ang tunay na nagawa ng administrasyong Duterte, ang hayaang tumaas ang presyo ng langis dahil sa ‘di pagsuspende man lang ng excise tax sa langis,” ani Zarate.
“Unfortunately this will even worsen in the years to come under Ferdinand Marcos, Jr., who vowed to continue the Duterte administration’s policies.
“We can be certain that what we are experiencing today will only worsen, that is, more oil price hikes are in the offing, and consequently prices of bread, rice etc because Marcos Jr., will also ignore calls to regulate the downstream oil industry, as he also ignore calls to suspend the excise tax on oil products now,” anang progresibong mambabatas.
Nakaambang tumaas ang presyo ng diesel sa P6.40-P6.70 kada litro at P2.65-P2.80 kada litro ng gasolina sa susunod na linggo. Tataas din ng P5.15-P5.30 kada litro ang kerosene.
“‘Di na rin talaga uubra ang band aid solutions ng Duterte admin. Tulad ng isa o dalawang buwang libreng sakay sa MRT dahil napakalimitado nito dahil ‘di naman lahat ay sumasakay dito at paano naman ang wala sa NCR? ‘Yung mga pantawid pasada ay hindi talaga uubra nang pangmatagalan, lalo pa’t napakabagal ng Duterte administration sa roll out nito. Limitado rin lang ang matutulungan nito maski lahat naman tayo ay apektado ng pagtaas ng presyo ng langis,” ayon kay Zarata.
“We maintain our stand that to effectively address the current oil price crisis the best way to go is to again regulate the downstream oil industry in our country. But for immediate relief to our people, we call on the next Congress and the next administration to immediately pass a law that will suspend the collection of the excise taxes on oil now,” aniya.
Ang Bayan Muna at ibang kasapi sa Makabayan bloc ay naghain ng House Bill 4711 upang kontrolin ang presyo ng produktong petrolyo. (GERRY BALDO)