Thursday , March 30 2023
mindanao

Basilan payapa na – Hataman at Duterte-Carpio

UMALMA si Deputy Speaker Mujiv Hataman sa tweet ng kilalang media personality na si Raissa Robles na nagbabala sa planong buksan ang turismo sa Mindanao.

Ayon kay Hataman, nais lamang niyang sagutin ang mga pahayag na binitawan ni Robles kamakailan sa Twitter bilang babala o reaksiyon sa plano ng bagong kalihim ng Department of Tourism na buksan ang ilang bahagi ng Mindanao sa turismo.

Aniya, nabanggit ni Robles ang security concern na dala ng Abu Sayyaf Group (ASG) at pati na rin ang ating lalawigan sa Basilan.

“Gusto ko lang linawin: “Wala nang pangil ang ASG sa Basilan,” ani Hataman naging gobernador ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang kapayapaan sa Mindanao ay bunga ng maraming taon na pakikipagtulungan ng security forces, lokal na pamahalaan, komunidad at mga imam sa ilalim ng Program Against Violent Extremism na ating inilunsad maraming taon na ang nakararaan.

“Ang mga mamamayan ng Basilan ay malaya nang nakagagalaw at nawala na ang takot na noon ay bumabalot sa aming lalawigan. Pinagtulungan namin kung anoman ang kapayapaan na tinatamasa naming mga Basileño ngayon,” anang deputy speaker.

“Sa katunayan, ilang beses nang pabalik-balik ang matataas na opisyal ng pamahalaan dito sa Basilan. Ilang laro na rin ng MPBL ang nairaos dito. Ilang beses na rin na-feature sa iba’t ibang website ang kagandahan ng mga dagat namin tulad na lamang ng Malamawi Beach na isa sa pinakamagandang beach sa buong bansa,” paliwanag niya.

Ayon sa kongresista, mula noong 2016 walang  kidnappings sa Basilan.

“We fought hard for the peace that we are enjoying now, at proud kaming mga Basileño sa achievement na ito.”

Iniimbitahan ni Hataman si Robles na dumalaw sa Basilan at personal na masaksihan ang laki ng ipinagbago ng seguridad ng aming lalawigan.

“Nawa’y matulungan mo kami Ms. Robles na maisulong ang Basilan bilang isang progresibong lalawigan na malaya sa kapit ng terorismo,” aniya.

               “Sana ay makita ni Ms. Robles ang plano ng DOT na mabuksan ang Mindanao sa turismo ay isang malaking kampanya na magbibigay ng kahulugan sa pagsisikap ng mga mamamayan tungo sa kapayapaan,” ayon kay Hataman.

Ayon kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio, ang pahayag ni Robles ay isang uri ng diskriminasyon para sa mga taga-Minadanao.

“What Robles did was a demonization of Mindanao and an insult to its people, who also deserve to experience the gains of the Duterte administration over the past six years. Robles clearly wanted to undervalue everything that the Duterte administration has done in keeping the peace and security in Mindanao and ensuring that concerns caused by terrorist organizations, including kidnap for ransom groups, are addressed appropriately with the help of local governments and leaders of communities,” ayon kay Duterte-Carpio na kasalukuyang mayor ng Davao. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …