Saturday , June 14 2025

Piolo ayaw nang manahimik: Ngayon ang panahon para tumayo at magsalita

INAMIN ni Piolo Pascual na mas pinipili niyang manahimik kaysa sumagot sa mga nang-iintriga sa kanya.
“Bilang artista, sanay na akong pukpukin ng kung ano-anong issue. May mga pagkakataon na kailangang i-address ang isang bagay pero mas madalas, pinipili kong tumahimik,” giit ni Piolo sa isang video na nagpapakita ng kanyang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo bilang susunod na pangulo ng bansa.
Ganito rin ang trato ni Piolo sa mga isyung politikal, na mas gusto pa niyang tahimik na magmatyag kaysa maglabas ng saloobin sa takot na baka mabatikos.
“Naisip ko, masyado nang magulo ang mundo para makidagdag pa sa samo’tsaring ingay. At hindi ko rin alam kung nararapat ba akong pakinggan. Hindi naman ako eksperto sa politika,” paliwanag niya.
Pero ngayong nakataya ang kinabukasan ng bansa sa Mayo 9, napagdesisyonan ni Piolo na hindi na siya dapat manahimik, sa pagsasabing ang pagtahimik ay isang pribilehiyo na hindi dapat ginagamit ng sinuman sa kasalukuyang panahon.
“Ang pananahimik sa ganitong panahon ay pagkampi sa mga pwersang nagpapahirap sa maraming Filipino. Sa mga nakaraang araw, palakas nang palakas ang sigaw. Hindi na ito kayang isawalang-bahala ng bawat Filipinong nagmamahal sa bayan,” ani Pascual.
“Bulong na ngayo’y isang malakas na ring sigaw, si Leni Robredo ang pangulo ko. Abogada, ekonomista, tapat, at walang bahid ng corruption,” dagdag pa niya.
Para matiyak na tama ang kanyang desisyong suportahan si VP Leni, sinabi ni Piolo na siya’y nagsaliksik, nakinig sa ibang tao, at binuksan ang isip bago naghayag ng suporta sa Bise Presidente.
Gaya ng ibang volunteers, sinabi ni Piolo na tumugon siya sa panawagan ni VP Leni na tumayo at ipaglaban ang bansa at kapakanan ng taumbayan, lalo na iyong mga nangangailangan.
“Pagkain sa mesa. Edukasyon. Maayos na kalusugan. Hindi ba’t ito naman ang araw-araw nating pinagsisikapan para sa ating pamilya? Hinihiling ng panahon na lawakan natin ang ganitong pagsisikap, hindi lang para sa mga mahal natin sa buhay, kundi para sa ating mga kababayang nangangailangan,” punto pa ni Piolo.
Binigyang diin ni Piolo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan na tutulong sa taumbayan na maabot ang kanilang pangarap at gumanda ang buhay sa pamamagitan ng mga batas, programa, at plataporma.
“Tapat na pamamahalang magbibigay sa atin ng kasiguraduhan, tutulong sa atin sa panahon ng kalamidad o matinding pangangailangan,” wika pa ng aktor.
(𝙈𝙑𝙉)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …

Aiko Melendez Fast Talk With Boy Abunda

Aiko sinagot pangarap mag-mayor ng Quezon City

MA at PAni Rommel Placente MULING nanalo ang award-winning actress na si Aiko Melendez nang tumakbo siya …

Ruru Madrid

Ruru hindi napigilang mapaluha sa last taping day ng Lolong

MA at PAni Rommel Placente EMOSYONAL ang cast at production staff ng seryeng Lolong: Pangil ng …

Cecille Bravo 2025 Manila Intl Fashion Week

Celebrity businesswoman/Philanthropist Cecille Bravo rumampa sa 2025 Manila Int’l Fashion Week

MATABILni John Fontanilla ISA sa rumampa sa 2025 Manila International Fashion Week na inorganisa ni Bench Bello, ang …

Sylvia Sanchez Cannes

Alemberg sinupladuhan si Sylvia, napagkamalang hao siaoprodu

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng multi-awarded actress at film producer Sylvia Sanchez kung paano nabuo ang collaboration …