Monday , September 25 2023
online sabong NBI

Pagbasura sa kaso ng online sabong operator sa Cabanatuan, kinondena ng NBI

NAGHAIN ng Motion for Reconsideration ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos ibasura ni Nueva Ecija Provincial Prosecutor Efren Clint Mallare, Jr., ang kaso laban sa isang online sabong operator.

Ito, ayon kay NBI Agent Waldy Palattao, ay upang kuwestiyonin ang desisyon ng piskal sa kanilang rekomendasyon na usigin ang mga operator ng ilegal na online sabungan.

Ibinato ni Mallare ang mga tanong na parehong batayan na iniharap nila sa lokal na hukom na naglabas ng search warrant.

Sa pahayag ni Mallare, ang nadakip na pitong technical people ay hindi kawani ng PCC kundi ng Philippine Cockfighting International Incorporated (PCII).

Apela ni Palattao, ginagamit ng PCII ang brand name na PCC sapagkat mas sikat ito kompara sa kanilang online presentation at wala rin umanong permit ang PCII para mag-operate.

Samantala, kasulukyang nakabinbin ang mosyon sa korte ng naturang lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …