Friday , June 2 2023

Sangkatutak na alitangya prehuwisyo sa Cabanatuan

ISANG linggo nang prehuwisyo ang mga ‘black rice bugs’ o alitangya sa mga residente sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng  Nueva Ecija.

Ang alitangya ay insektong tila maliliit na salagubang na madalas lumilitaw sa gabi at nagliliparan malapit sa ilaw kung saan may liwanag.

Halos pagbahayan ng mga alitangya ang maraming lugar sa naturang lungsod tulad ng mga karinderya, tindahan, groseya, at maging ATM booths.

Sagabal din sa mga motorista ang mga alitangya na hindi nila makita ang daan dahil kumpol-kumpol na nagliliparan.

Ayon sa mga residente, kakaiba ang amoy ng mga alitangya at masakit kumagat bukod sa kumakapit din sa ulo at katawan.

Sinabi ng mga eksperto na galing sa lupa ang mga alitangya na lumalabas lamang sa tuwing kabilugan ng buwan.

Ayon sa agriculturist na si Nick Angelo De Dios, crop protection coordinator sa lungsod, ang mga alitangya ay peste ng mga palayan na madalas lumalabas tuwing Agosto kapag walang masyadong bagyo.

Ngunit kung may bagyo, lumalabas sila ng Oktubre hanggang Disyembre.

Breeding season umano ngayon ng mga alitangya at nagkataon pang harvest season at full moon sa Cabanatuan kaya dumami ang mga insekto. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …