Tuesday , December 10 2024

14 violators arestado (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

NADAKIP ang 14 suspek na may paglabag sa batas sa serye ng police operations na ikinasa sa lalawigan ng Bulacan, mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 27 Hunyo.

Gayondin, inaresto ang anim na drug peddlers sa isinagawang buy bust operations ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga pulisya ng Obando, San Miguel, at Malolos katuwang ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nasamsam mula sa mga suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu, dalawang pakete ng tuyong dahon ng marijuana, cellphone, timbangan, kalibre .38 revolver na kargado ng bala, motor­siklo, at buy bust money.

Dinala ang mga nadakip na suspek at ang mga nakompiskang ebi­den­siya sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa drug test at laboratory examination.

Apat na suspek rin ang nasakote nang magresponde ang mga awtoridad sa mga krimeng naganap sa mga bayan ng Norzagaray, Pandi, San Miguel, at lungsod ng San Jose Del Monte.

Nadakip ang mga suspek sa paglabag sa PD 705 (forestry reform code), RA 9175 (Chainsaw Act), PD 1612 (Anti-Fencing Law), estafa, falsification of public documents, murder, at physical injury.

Kasalukuyang iniha­han­da ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga suspek na ihahain sa korte.

Arestado rin ang apat na pugante sa magka­kahiwalay na manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng Marilao at Norzagaray MPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Jolina Gragas, alyas Joy-Joy, ng Brgy. Sta. Rosa, Marilao, arestado sa kasong murder; Ricardo Ponteres ng Brgy. Minuyan, Norzagaray sa paglabag sa COMELEC Resolution No. 7764; Ferdinand at Evelyn Gonzales, mga residente sa Brgy. Tigbe, Norzagaray, kapwa inaresto sa kasong falsification of public documents.

Inilagay ang mga akusado sa kustodiya ng kani-kanilang arresting stations para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, hindi tumitigil ang mga tauhan ng Bulacan police sa pinatinding kampanya laban sa lahat ng uri ng krimen sa lalawigan at pagtitiyak na ang mama­mayan ay sumusunod sa health protocols upang masugpo ang pagkalat ng CoVid-19 sa komuni­dad.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *