Wednesday , December 11 2024

Hidilyn Diaz, tunay na mandirigma ng makabagong panahon

IBINAHAGI ng beteranang weightlifter na si Hidilyn Diaz ang ilang mga paghahanda niya para sa Summer Olympics, misyon sa bayan, at ang pagiging katuwang sa maraming laban sa buhay.

Kasabay nito, inilunsad ng Alaxan FR, isang kilalang brand ng gamot para malabanan ang sakit ng katawan, simula noong Labor Day ang Mandirigmonth campaign bilang pagkilala sa mga kalalakihan at kababaihang simbolo ng sipag at tiyaga sa kabila ng araw-araw na hirap, pagod, at sakit ng katawan. Tumutugma ito sa tagline ng brand na Tapos ang sakit ng katawan. Tapos ang laban.

May mga ipinamahagi ring ‘Laban Lang Gears’ na naglalaman ng essentials na maaaring magamit ng mga modern day warriors sa kanilang pagbyahe sa trabaho at mapagtagumpayan ang mga hamon na maaari nilang harapin sa araw-araw.

Isa sa modern day warriors ang Olympic medalist at isa ring Alaxan FR brand ambassador na si Hidilyn na lalaban sa Summer Olympics sa Tokyo, Japan. Excited at mataas ang fighting spirit ni Hidilyn habang nagkukuwento tungkol sa kanyang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon.

“Kagagaling lang namin sa Asian Championship pero tuloy ang laban dahil mandirigma tayo,” bungad ni Hidilyn na kasalukuyang nasa Malaysia at patuloy na nagsasanay.

Una nang na nasungkit ni Hidilyn ang ikaapat na puwesto sa Asian Weightlifting Championship na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan. Nagtala si Hidilyn ng 94kg sa snatch category at 118kg naman sa clean and jerk. Ito ang nagpaigting ng kanyang kuwalipikasyon para mapasama sa nalalapit na Olympic event sa Tokyo, Japan.

“Akala ko noong una, imposibleng magkaroon ng laro, imposibleng makaalis sa Malaysia, imposible na maka-apak ako sa international platform, at imposible na ma-meet ko ang 6th Olympic qualifying competition na required para makapag-qualify ako sa Summer Olympics… but with God,all things are possible,” sambit ni Hidilyn.

Sa likod ng tagumpay maraming  pagsubok ang pinagdaanan ng grupo ni ni Hidilyn. Na-stranded sila sa Malaysia matapos ideklara ng gobyerno nito ang national lockdown dahil sa pandemic. Nakatakda sanang lumipad patungong Colombia si Hidilyn para lumaban sa Ibero-America Open Championships, isa sa mga Olympic-qualifying competitions. Ngunit nagsara ang mga border, na-postpone at nakansela ang mga competition, at pinauwi sa kani-kanilang bansa ang mga atleta.

“Mahirap na part noong nangyari ang lockdown all over the world, ‘di namin alam ang gagawin, kung ano ang next move. Wala rin kaming kilala sa Malaysia, walang connection, ‘di namin alam ang lugar, at ano ang mga bawal at pwede… Then siyempre, during this moment, ‘di maiwasan na magka-anxiety, mag-overthink, may takot at na-miss ang pamilya.”

Sa Hulyo nakatakdang ganapin ang Summer Olympics at ito ang ika-apat na paglahok ni Hidilyn.

Pag-alala ni Hidilyn, ”Nag-try na ako ng iba’t ibang sports pero medyo hindi maganda yung nagiging resulta ng laro, parati akong talo. Sa weightlifting, natatalo ko ‘yung mga pinsan kong lalaki kaya sabi ko rito ako.”

Simula noon ay hindi na tumigil sa training si Hidilyn. Sa loob ng isang linggo, mayroon siyang anim hanggang 11 session na dumadaan ang kanyang katawan sa matinding pagsasanay na kaakibat ay sakit ng katawan.

At sa pagkakataong ganito, may kaagapay si Hidilyn. ”Sa isang Alaxan FR, tapos ang laban. Handa ulit akong lumaban sa training the next day. Sa sakit ng katawan, sa lahat ng laban natin sa buhay, ang mandirigma tulad ko, laban lang.”

Ang Alaxan FR ay produkto ng pharmaceutical at health care company na Unilab. Ito ay doctor-recommended na pain reliever laban sa iba’t ibang sakit ng katawan. Ito rin ang pinagkakatiwalaang body pain reliever brand ng mga mandirigma ng makabagong panahon na tulad ni Hidilyn.

Panoorin ang video ni Hidilyn sa Alaxan Facebook page (https://www.facebook.com/AlaxanFastRelief) at huwag kalimutang mag-iwan ng inyong message of support. Maaari rin kayong magbahagi ng inyong Laban Lang moments at maging ehemplo ng katatagan at tagumpay para sa iba. (MV)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *