Tuesday , December 10 2024

Liza Diño binasag ang haka-hakang tatakbo sa 2022

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


SAAN nanggaling ‘yan?! I am not running!” Ito ang iginiit ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño sa isinagawang virtual media conference noong Martes nang matanong ito ukol sa kumakalat na balitang tatakbo siya bilang senador o kongresista  sa 2022.

“It’s enough that I learned a lot and received a lot of support at the FDCP,” sambit ni Dino.

Sa launching ng 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online na magaganap simula June 4 hanggang June 30 bilang bahagi ng Pride Month celebration sinabi ni Dino na, ”My main concern is how to make sure that the programs we started (sa FDCP) will still continue after the elections.

“Magaganda naman at proud ako sa nagawa at nasimulan namin the last five years. Alam ng team namin how hard we worked for it. Ang goal namin is to institutionalize some of our programs that can support the FDCP in the future. Sana maalagaan lang,” sambit pa ni Liza.

Naibahagi rin ni FDCP Chair na hindi na muna nila ipa-priority ni Ice Seguerra ang planong magka-baby sa pamamagitan ng surrogacy. Noong 2018 pa sana balak ng mag-asawa na mag-undergo sa surrogacy.

“We’re all going through financial constraints during the pandemic. Both of us are trying to sustain our life for now. When it happens it will happen,” paglilinaw ni Liza.

Sa kabilang banda, itatampok ang 15 vintage at bagong film features ukol sa LGBT issues sa Pelikulaya filmfest. Ilan dito ay ang T-bird at Ako, ni Danny Zialcita nina Nora Aunor at Vilma SantosMasahista ni Brillante Mendoza na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“This is an opportunity for us to have discussions on issues that have not been resolved. In real life, same sex unions, civil rights and attendant tax reform have not been addressed. 

“Pelikulaya will be fun but it will also create understanding for the community. We can bring government, the private sector and the public together to expand our advocacy,” sambit pa ni Chair Liza.

Bukod dito, mayroon ding mala-beauty pageant,”to highlight the filmfest with a pasarela 30-seconder video competition wherein participants will sashay in their own look with sashes emblazoned with positive words like Self Love, Equality, Inclusivity, Dignity and many others.”

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *