Thursday , September 12 2024
Covid-19 positive

Rehab center sa Bulacan naka-hard lockdown (80 CICL, mga tauhan positibo sa CoVid-19)

ISINAILALIM sa hard lockdown ang isang rehabilitation center sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan makaraan ang mga residenteng kabataan at mga tauhan sa pasilidad ay nasuring positibo sa CoVid-19.

Ayon sa ulat, may 80 children in conflict with the law (CICL), siyam na social worker, at anim na jail guard sa Bahay Tanglaw Pag-asa ang tinamaan ng malubhang viral disease.

Sa pahayag ng Bulacan Provincial Health Office, nakuha ng mga kabataan mula sa isang provincial social welfare development office staff, na nahawaan matapos dumalo sa isang birthday party noong Marso.

Matapos nito, nakaramdam ang mga miyembro ng pasilidad ng sintomas ng CoVid-19, tulad ng lagnat at ubo.

Natapos ang 14-araw na quarantine ng mga nahawaang kabataan at mga tauhan sa pasilidad ngunit pinahaba pa ito ng health office sa  21 araw upang matiyak na ang mga pasyente ay maayos na ang kalagayan mula sa virus.

Mula 20 Abril, iniulat ng Department of Health (DOH) na may kabuuang 34,885  kaso ng CoVid-19 sa Bulacan, kabilang ang 6,053 aktibong kaso, 661 ang namatay, at 28,171 ang nakarekober.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *