Thursday , September 12 2024

Pinalawak na tulay ng Angat River sa Bulacan, tapos na

KOMPLETO at tinapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapalawak sa 2.22 kilometrong bahagi ng Plaridel Bypass Road sa lalawigan ng Bulacan, mula sa dalawa ay mayroon nang apat na lane sa nasabing tulay.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kabilang sa natapos ang karagdagang dalawang lane bridge parallel sa 1.12 kilometrong Angat Bridge, isa sa pinaka­mahabang tulay sa Filipinas.

Isa ang Plaridel Bypass Road Project sa mga itinuturing na “game-changing infrastructure flagship projects” ng gobyerno para mabawasan ang oras ng biyahe.

Nagsagawa ng final inspection si Villar, kasama si Undersecretary for UPMO Operations Emil Sadain at UPMO RMC 1 Project Managers Benjamin Bautista at Basilio Elumba, sa 2.22 kilometer widened section na sakop ng contract package (CP) 3 ng Arterial Road Bypass Project (ARBP) Phase 3, araw ng Miyerkoles, 21 Abril.

Kasama sa ARBP-Phase 3 ang pagpa­palawak mula sa dalawang lane para maging apat na lane ang buong 24.61-kilo­metrong bypass road mula NLEX sa Balagtas hanggang San Rafael, Bulacan.

Sa pamamagitan nito, inaasahang maiib­san ang bigat ng trapiko sa Pan-Philippine Highway (PPH).

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *