Wednesday , September 11 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Kautusan sa pagpapatupad ng MECQ sa Bulacan idineklara (Sa Executive Order No. 12 Series of 2021)

“IPAGPATULOY natin ang ibayong pag-iingat at pagtalima sa batas.”

Ipinahayag ito ni Governor Daniel Fernan­do kasunod ang mga inilabas na guidelines sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula 12-030 Abril 2021, sa lalawigan.

Ayon sa gobernador, ang curfew hours ay simula 8:00 pm hang­gang 5:00 am kinabu­kasan at ang indibidwal na 18 anyos pababa at 65 anyos pataas, gayon­din ang may mga banta sa kalusugan, ay kina­ka­ilangang manatili sa bahay maliban kung bibili o kukuha ng essential goods at serbisyo.

Sa ilalim ng MECQ, pinapayagan ang mga individual outdoor exercise (walking, jogging, running, biking) kung nasa tabi ng bahay o nasa loob ng barangay.

Mananatiling opera­syonal ang mga pampu­blikong transportasyon sa loob ng kasalukuyang kapasidad at protocols na ipinatutupad ng DOTr.

Limitado ang mga restaurant sa outdoor o al fresco dining (50% kapasidad), take-out, at delivery lamang.

Pinapayagan ang 50% operational capacity sa lahat ng mga pribadong establisimiyento at industriya na hindi pinayagang mag-operate noong ECQ, maliban sa entertainment, leisure, tourism, sports, at personal care services.

Ang pag-uumpukan sa labas ng bahay ay ipinagbabawal at ang mga religious gatherings ay limitado sa 10% capacity sa lugar.

Mahigpit na ipina­tutupad ang liquor ban sa buong lalawigan hanggang 30 Abril at sapilitan ang utos sa pagpagsusuot ng facemask, face shield, at wastong social distancing.

Ayon kay Bulacan Police Director P/Col. Lawrence Cajipe, titiyakin ng pulisya sa lalawigan at iba pang law enforcement units ang pagsunod ng publiko sa mga nasabing guidelines para sa kanilang kaligtasan.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *