Monday , October 14 2024

Direk JP sa lock-in taping: Mas napapaganda, mas polido ang script

THANKFUL si Direk JP Habac dahil siya ang kinuha ng TBA Studios para idirehe ang Dito at Doon na pinagbibidahan nina JC Santos at Janine Gutierrez. Ito ang ikalawang movie project ni Habac sa TBA na ang unang idinirehe ay ang I’m Drunk, I Love You noong 2017 na pinagbidahan naman nina Maja Salvador at Paulo Avelino.

“Natutuwa ako na they approached me to direct this film kasi I can really relate with the characters in the story. I think everyone in this production parang at some point naka-experience nila ‘yung na-experience ng mga character sa pelikula,”sambit ni  Direk Habac sa mediacon after ng virtual screening.

“Kaya I’m so happy that I get to direct this project and to work with this wonderful cast,”  sambit pa ni Direk JP.

Anang director, marami siyang natutuhan sa pagdidirehe ng Dito at Doon. ”Natutuhan kong i-follow ang instinct ko. The treatment that I used for this project is something that I haven’t tried with my other past projects. So with this one, talagang sabi ko this is not the type to play it safe, na parang mas maganda mag-explore pa at mapiga pa ‘yung creative juices na natitira.

“Parang kailangan maghanap ng bago na maibibigay sa mga tao. So with this project I was given that chance to explore more and actually sa TBA ko lang ‘yun na-e-experience na makapag-explore creatively, to have the total creative freedom,” paliwanag pa ng direktor.

Hindi naman itinago ni Direk JP na sobra siyang nalungkot nang hindi pa rin puwedeng magpalabas ng mga pelikula sa mga sinehan lalo’t hindi sinang-ayunan ng karamihan sa mga mayor ang pagbubukas muli ng mga sinehan dagdag pa ang muling pagtaas ng bilang ng mga positibo sa Covid at ang pagkaka-deklara ng ECQ sa Metro Manila at kalapit bayan.

“Nalungkot ako. Parang at first I was really anxious about going back to the cinemas kasi nga hindi pa rin safe pero kasi yung thought na parang may chance na makapunta ka ulit sa sinehan, parang sobrang nakaka-excite lang.

“Tapos whoops, hindi ulit puwede. Parang it’s a prank (laughs). Pero na-sad ako pero thankful pa rin kasi lima ‘yung online platforms na puwede nilang puntahan and parang safe ka na sa bahay, mas marami pa ‘yung access. Thankful pa rin and everyone’s safe,” sambit pa ng direktor.

Naikuwento pa ni Direk JP na okey sa kanya ang lock-in taping.

“Okay ako sa ganito kasi for creative ang hirap kasi na-experience ko dati minsan on set nag-re-revise pa. So at least parang coming into the set for the lock in, kailangan mayroon na kayong final script.

“Mas napupulido, mas nade-develop sobra ‘yung script at nakakapag-prepare pa talagang sobra para mapaganda ‘yung pelikula. New normal. Ang laking tulong na mayroong sapat na tulog ang mga tao kasi iba ‘yung naibigay nila na effort at commitment sa isang project,” giit pa ng director.

Palabas pa rin ang Dito at Doon sa limang digital platforms tulad ng KTX.ph, iWant TFC, Cinema 76 @ Home at Ticket2Me. Pawang positibo ang rebyus ng mga nakapanood na ng Dito at Doon ukol sa pag-iibigan sa kasagsagan ng lockdown noong 2020.

“Kasi yung buong pelikula parang it tackles the uncertainties of the pandemic and the lockdown last year up until now.  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Celeste Cortesi Viva

Celeste nilayasan Sparkle lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo ANG Viva Artist Agency (VAA) ang namamahala sa showbiz career ng beauty queen na …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *