Monday , October 7 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Curfew, liquor ban sa Bulacan iniutos (Mula 17 Marso – 17 Abril)

SINIMULAN nang ipatupad ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang isang-buwang curfew at liquor ban sa lalawigan sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng CoVid-19 sa bansa.

Sa Executive Order No. 8 Series of 2021, sinabi ni Fernando na ang curfew sa buong probinsiya ay mula 11:00 pm hanggang 4:00 am na nagsimula nitong Miyerkoles, 17 Marso, at magtatagal hanggang 17 Abril.

Hindi saklaw sa curfew ang mga indibidwal na nangangailangan ng mga serbisyong pang-emergency at mga manggagawang dokumentado.

Ipinagbabawal din ang pagbebenta, pagbiyahe, at pagkonsumo ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa mga pampubliko at pribadong lugar hanggang 17 Abril.

Ipinag-utos ni Fernan­do na ibalik ang mga border quarantine check­point sa lalawigan upang masugpo ang pagkalat ng virus.

Anang gobernador, mahigpit na ipatutupad ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, hand hygiene, cough etiquette, at physical distancing.

Hiningi rin ni Fernando ang tulong ng law enforcement agencies sa pagpapatupad ng kautu­san.

Muling tumaas ang mga kaso ng CoVid-19, na ayon sa Department of Health ay dala ng bagong coronavirus variants at maluwag na pagsunod sa health protocols.

Iniulat na may kabuuang 631,320 kaso ng CoVid-19, mayroong 560,736 recoveries, 12,848 fatalities at 57,736 active cases sa buong bansa.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

Hidalgo nagretiro
 P/BGEN MARANAN GUMANAP NA BILANG BAGONG PRO3 CHIEF

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., at kompiyansang ipinasa ang …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *