Tuesday , October 3 2023

Janno sa Happy Time: We have both been asked to leave the show

KAPWA hindi umapir noong Miyerkoles at Huwebes sina Janno Gibbs at Kitkat sa kanilang show sa Net 25, ang Happy Time. Iyon kasi ang araw na sinasabing magla-live ang noontime show para ipakitang nagka-ayos na ang dalawa na nagkaroon ng hidwaan.

Kasunod ng anunsiyong pag-apir ng live ay ang statement ng Net 25 para sa nabalitang away ng dalawa. Subalit napanis na kami sa kahihintay tulad ng nasulat namin dito kahapon.

Bagamat pinag-usap na sina Janno at Kitkat, ang inaasahang pag-aayos ay hindi nangyari dahil sa kani-kanilang post sa social media. Binanggit na natin kahapon ang naging palitan nila ng post na hindi maganda.

At dahil sa hindi pag-apir nina Janno at Kitkat sa Happy Time naitanong natin kung tsinugi na ba sila? At kahapon ng hapon, kinompirma ni Janno na tinanggap na nga sila ni Kitkat sa noontime show ng Net 25.

Isang official statement ang ipinalabas ni Janno sa kanyang Instagram account na @jannolategibbs at dito nabanggit niyang, ”We have both been asked to leave the show.”

Ani Janno naglabas siya ng statement para tuldukan na ang mga kung-ano-anong lumalabas na usapin.

Narito ang kabuuan ng statement ni Janno.

“This statement is being written to put this matter to rest once and for all.

“During live TV shows, and especially during game portions, it is usual for the hosts to challenge each other with playful exchange of words or teasing remarks to create more excitement, laughter and fun for the portion.

“All along, I thought that we were having an innocent, comedic banter and that she was playing along, but apparently, she had taken it personally. After she consecutively said several words against me, I was also affected and it made me react the way that I did.

“A series of online posts were made that threatened me and my family. It really hurt me that even my family was dragged into this. In spite of this, I kept quiet and only replied once hoping the issue would die down.

“I have apologized to my co-host and the management of the show. I have also publicly apologized. We have both been asked to leave the show.

“My personal learning is to not react so publicly in situations like this whether on air or online. I have also learned to treat my co-workers with even more sensitivity.

“I remain grateful to Net 25 for the opportunity to work for them. They have treated me well. And I will miss working with my brother, Anjo.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

 Robin Padilla, Mariel Rodriguez

‘Junior’ ni Robin nag-hello sa live online selling ni Mariel 

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN at trending sa social media ang aksidenteng pag-hello ng  “junior” ni Sen. Robin …

Troy Montero Aubrey Miles Rocky

Pagkawala ng FB page ng anak nina Troy-Aubrey ‘di makatarungan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WE feel for Troy Montero and Aubrey Miles dahil sa ginawang pag-unpublish ng Facebook sa page ng …

KD  Estrada Alexa Ilacad

Proposal ni KD kay Alexa pinag-usapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANGGALING naman sa Bicol sina KD Estrada at Alexa Ilacad (plus iba pa) dahil pinasaya …

Pops Fernandez Viva Boss Vic del Rosario

Pops excited sa magiging apo, magpapatawag ng ‘LoliPops’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAKAS na bakas kay Pops Fernandez ang kasiyahan nang maurirat ang nalalapit …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star wa na ker mabuking man na siya ay bading

ni Ed de Leon HINDI man tuwirang inaamin ng isang male star na siya ay parang tutubing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *