Friday , October 11 2024

Ellen at John Lloyd, engage na? Halaga ng engagement ring, P3-M

IBINUKING ng talent manager cum columnist na si Manay Lolit Solis ang halaga ng engagement ring na ibinigay ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

Idinaan ni Solis ang pambubuking sa kanyang  Instagram  account kasama ang retrato ni Ellen habang hawak-hawak ang alagang aso. Bagamat wala pang pag-amin mula kina JLC at Ellen ang ukol sa engagement, at kung engage na nga sila, sure na sure naman si Manay Lolit dahil nakausap niya mismo ang pinagbilhan ng naturang singsing.

Ani Solis, isang princess cut perfect diamond ang singsing na ibinigay ng actor.

Pinuri rin niya si Lloydie dahil napakasarap daw nitong magmahal at tila forever na nga ang pagmamahalan ng dalawa.

Narito ang kabuuan ng IG post ni Solis mula sa kanyang @akosilolitsolis account:  Naku Salve na meet ko iyon binilhan ni John Lloyd Cruz ng ring na binigay niya kay Ellen Adarna , shock ako at sure shock karin dahil muntik na ako matumba. Sarap pala magmahal John Lloyd , grabe , pogi na generous pa . Yellow princess cut perfect diamond ang give niya kay Ellen na almost 3M ang presyo , ang mahal ng engagement ring ni Ellen ha , mukhang forever talaga ang pagmamahal sa kanya ni John Lloyd hay naku ilan ba tulad John Lloyd , hanap na girls hirap magkaruon 3M na ring hah! #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit #scoop

Sa isang post naman mula sa account na @jlc_ellen,  parehong pictue ang naka-post ng tulad ng kay Solis at may caption na: Ellen is wearing a bigger ring this time. Maybe an engagement ring? .

#ellenadarna  #johnlloydcruz  #ct to #notmyphoto

jlc_ellenDid you notice the big diamond ring her father gave her to wear? She’s wearing a bigger rock this time  I hope they are engaged!!!  #ellenadarna  #johnlloydcruz #ctto#notmyvideo.

 

MAESTRA, GRADE A
SA CEB; KINILALA
SA ILANG INT’L. FILMFEST

HINDI nakapagtatakang nakakuha ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board ang pelikulang Maestra na idinire ni Lemuel Lorca handog ng Dr. Carl Balita Production dahil pawang magaganda ang rebyu nito mula sa mga nakapanood na.

Marami na ang pumuri at nagandahan sa makabuluhang pelikulang ito na tamang-tama para sa mga estudyante at guro.

Kinilala na rin ang ganda at galing ng mga nagsiganap sa Maestra sa ilang international filmfest tulad ng Best Lead Actress para kay Anna Luna (Five Continents International Film Festival sa Venezuela) at Special Mention, Best Screenplay kay Archie del Mundo (Five Continents International Film Festival).

Isang advocacy film ang Maestra na pinagbibidahan ng award-winning actress na si Angeli Bayani na gumaganap bilang si Gennie Panguelo, isang Aeta-Ilocana teacher na nagtuturo sa isang paaralan sa tuktok ng Pinatubo Valley sa loob ng 25 taon.

Ayon kay Carl Balita, isang multi-awarded educator, advocate, at entrepreneur, ”Maestra is a movie tribute to the heroes of the past, the present and the future generations – ang ating mga teacher. It is created to immortalize stories of the lives, struggles and triumphs of teachers in a full-length film.”

Sinabi naman ni Angeli na ang nanay niya ang peg niya sa pelikulang ito. ”Guro rin kasi ang nanay ko, sa pre-school teacher. Siyempre siya ‘yung first teacher ko literally, so, nasaksihan ko kung paano siya gumalaw bilang teacher, as a student, and as her daughter.

“And I believe, calling niya talaga ‘yun. She really loved teaching and in fact I remember noong college ako nag-pursue pa siya ng higher learning para roon.

”At ‘yun ‘yung naiwan talaga sa akin, so noong in-offer sa akin nina Dr. Carl ang project na ito, sino pa ba ang gagawin kong peg kundi ang nanay nanay ko.”  

Giit pa ni Angeli, ”Tribute talaga siya for our teachers, pero it’s also my personal tribute to my mother and to teachers like her. So it’s quite personal. Lalo na ‘yung sa situation ni Ma’am Gennie it’s very, very hard for her.

“Growing up personally as a daughter of a teacher, I remember quite clearly how hard it is to be living on a teacher’s salary. Hindi biro yung tinutuloy mo yung ganung klaseng calling kahit financially challenged ka dahil lang gusto mong magturo at sobrang mahal na mahal mo ang pagturo,” sambit pa ni Angeli.

Aniya pa, ”If you have a dream, it is your obligation to pursue it whatever that dream is. If you pursue your dream no matter what the obstacles are, you inspire yourself, you inspire the people around you, then you become literally a light in the dark.”

Kasama rin sa Maestra sina Anna Luna at Gloria Sevilla. Mapapanood na ito bilang bahagi ng Cine Lokal Film Festival sa December 8 at 9 sa SM Megamall, Mall of Asia, North Edsa, Southmall, Manila, Sta. Mesa, Fairview, at Bacoor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *