Tuesday , November 12 2024

P1.8-M shabu nadiskobre sa nagliyab na motorsiklo (Sa Antipolo City)

NADISKOBRE ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang 280 grams ng shabu, tinatayang P1.8 milyon ang halaga, sa nagliyab na motorsiklo habang tumakas ang suspek nang makita ang nagrespondeng mga pulis sa lungsod ng Antipolo kahapon.

Sa ulat ni Insp. Rolly Baylon, PCP-1 commander, kinilala ang suspek na si Rick Santos, 42, nakatira sa 09 Doña Justa Subd., Angono, Rizal.

Nabatid sa opisyal, dakong 2:55 pm nang makatanggap sila ng tawag na may nagliyab na motorsiklo sa harap ng Riklan Center, sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot.

Bunsod nito, nagresponde ang opisyal kasama ang ilang bombero para apulain ang sunog at tulungan ang may-ari ng motorsiklo.

Ngunit imbes makipag-ugnayan si Santos sa mga awtoridad, bigla siyang naglaho at iniwan ang nagliliyab na motorsiklo.

Nang maapula ang apoy, tumambad sa mga awtoridad at bombero ang tatlong packs ng shabu, tinatayang 280 gramo, at ang muntik nang masunog na driver’s license ng suspek.

Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang tumakas na suspek.

(ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Kuwait ang nagwagi ng isang brand new …

ASEAN-EU summit

PH Capital Market dapat ihanay sa iba pang mga bansang ASEAN

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ihanay ang capital market ng …

Makati Police

2 holdaper ng 2 Japanese national timbog sa Makati CPS dragnet ops

NASAKOTE ang dalawang lalaki sa ikinasang dragnet operation ng mga awtoridad nitong Biyernes, 8 Nobyembre, …

bagyo

TS Nika bumagal sa West Philippine Sea Signal No. 3 nakataas sa 2 lugar sa Luzon

NAKATAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga bahagi ng mga lalawigan ng …

111124 Hataw Frontpage

Nawalan ng preno, saka dumausdos at bumangga  
OIL TANKER SUMABOG DRIVER PATAY, HELPER, 28 RESIDENTE SUGATAN   
6 bahay/estruktura tinupok ng apoy

HATAW News Team HINDI nakaligtas ang driver ng bumangga at sumabog na 10-wheeler truck na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *