Saturday , April 1 2023
teacher

Guro sa pamantasan, hinikayat mag-aral para sa kalidad ng edukasyon

HINIKAYAT ni Pasig City Councilor Connie Raymundo, Committee on Education chairperson ng lungsod, na muling mag-aral at pataasin ang kalidad ng edukasyon ng mga magtuturo sa mga kolehiyo at mga pamantasan.

Bukod sa pagkakaroon ng master’s degree, dapat nagtataglay din ng doctor’s degree ang isang miyembro ng faculty.

Ito ang pahayag ng Konsehala bilang suporta ng konseho sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng mga faculty ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP).

Kaugnay nito, hinihikayat ng konsehal ang mga nagtuturo sa naturang pamantasan na mag-aral upang makamit ang kanilang master’s degree at magpatuloy sa doctor’s degree.

Aniya, hindi dapat ipag-alala ng mga guro ang pag-e-enrol sa graduate school dahil pagkakalooban sila ng study leave at pagdating sa dissertation ay libre na sila sa pagtuturo nang isang semestre.

Bukod dito, magbibigay ang city government ng P100,000 financial assistance at scholarship  habang tuloy-tuloy pa rin ang kanilang mga suweldo. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …