Tuesday , November 29 2022
shabu drug arrest

2 pulis-Pasig, 2 pa tiklo sa entrapment

NASUKOL sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad ang dalawang tauhan ng Pasig PNP at dalawang sibilyan na hinihinalang magkakasabwat na sangkot sa ilegal na droga sa Brgy. San Miguel, lungsod ng Pasig nitong Lunes ng gabi, 24 Oktubre.

Kinilala ng Integrity Monitoring and Enforcement Action Team (IMEAT) ang mga nadakip na suspek na sina P/SMSgt. Michael Familara, 47 anyos; P/Cpl. Nathaniel San Buenaventura, 30 anyos, kapwa nakatalaga sa Sub-Station 7, Station 2 (Pasig) ng Eastern Police District; at dalawang sibilyang pinaniniwalaang kanilang kasabwat na sina John Carlo Zapanta at Carl Anito sa kasong robbery extortion at paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

Nabatid, naunang nahuli ng mga suspek na pulis si Maricel Banta, 38 anyos, sa kasong paglabag sa RA 9165 nang pasukin sa kanyang bahay dakong 11:00 pm noong 18 Oktubre.

Sa salaysay ni Banta, kinuha ng mga suspek ang laman ng alkansiya ng kanyang anak na nagkakahalaga ng P10,000 saka siya dinala sa  paligid ng Pasig Police Station ngunit hindi naman siya umano ikinulong ng mga humuli sa kanya.

Ayon sa reklamo sa pulisya ni Banta, hinihingan siya ng mga suspek ng P100,000 na bumaba sa P10,000 sa pamamagitan ng GCash kapalit ng hindi na siya sasampahan ng kaso.

Naghulog si Banta noong 19 Oktubre ng umaga ng halagang P6,000 sa pamamagitan ng GCash saka siya dinala sa kanyang bahay upang maibigay ang kulang niyang P4,000.

Narekober ng mga operatiba ng IMEAT, 35th SAC, 3SAB, Special Action Force, at Pasig PNP NCRPO mula sa mga suspek ang apat na P1,000 buy-bust money; isang maliit na sachet ng shabu; isang 9mm pistol na may magasin, bala, kalibre .45 (airsoft), isang Mio Yamaha motorcycle; at apat na cellphone. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

fire dead

67-anyos Lolo patay nang mabagok habang lumilikas sa sunog

ISANG 67-anyos lolo ang patay nang mabagok habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa …

duterte gun

DOH isali sa gov’t anti-drug campaign
HUSTISYA SA BIKTIMA NG EJKs SA DUTERTE DRUG WAR ISINUSULONG

HINDI dapat kalimutang bigyan ng hustisya ang libo-libong biktima ng patayan sa madugong drug war …

112922 Hataw Frontpage

 ‘Intel funds’ sa civilian agencies nais putulin ng Senador

IGINIIT ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code …

shabu

 ‘Shabu’ pinalitan ng tawas tulak patay sa boga ng ‘suki’

ISANG hinihinalang kawatan at tulak ng ilegal na droga ang binaril at namatay sa katanghaliang …

itak gulok taga dugo blood

Kapitbahay nag-amok babae pinugutan, pamangkin tinaga

PATAY ang isang babae matapos pugutan ng ulo, habang sugatan ang kanyang pamangkin nang tagain …