NAPANOOD ni Direk Joel Lamangan si Ronwaldo Martin sa pelikulangPamilya Ordinaryo at nagalingan siya sa ipinakitang galing umarte ng nakababatang kapatid ni Coco Martin. Kaya naman kinuha niya ito para makasama ni Raymond Francisco para sa pelikulang Bhoy Intsik handog ng Frontrow Entertainment.
Ani Direk Lamangan, malalampasan ni Ronwaldo ang naabot ng kapatid
“Opo malalampasan n’ya pa si Coco,” anang direktor. “Magaling s’ya at bata pa s’ya. Maraming karanasang kakaiba ang batang ito.
“Mahusay ang kanyang intrumento, ang instrumentong iyon ay ang pagiging natural at honest sa kanyang ginagawa.
“Sana hindi siya magbago at manatili s’yang ganoon,” lahad pa premyadong direktor.
Iginiit pa ni direk Lamangan na hindi lahat ng dumadaan sa workshop ay magagaling na artista. Tugon niya ito nang may magtanong kay Ronwaldo kung nag-wokshop ang batang aktor.
Sinabi naman ng kanyang manager na si Ferdy Lapuz na hindi talaga dumaan sa workshop si Ronwaldo. Kaagad kasi itong kinuha ni Direk Brillante Mendozapara makasama sa pelikulang Captive at pagkaraan ay agad nakuha sa Ari: My Life With A King, na nasundan pa ng Kabisera at Pamilya Ordinaryo.
“Sana hindi talaga magbago ang batang ito dahil sa tuwing pumupunta ako sa bahay niya, naglilinis siya, nagwawalis ng bahay, naglilinis ng pool, sumasakat ng tricycke. Sana hindi niya baguhin ang lifestyle niya at laging down to earth pa rin,” dagdag pa ni Lapuz at sinabing ‘yung rawness ni Ronwaldo ang isa sa magandang ugali nito.
“’Di lahat ng nagwoworkshop mahusay. Sina Jaclyn (Jose) at Vilma (Santos), hindi rin ‘yan dumaan sa workshop pero sila ‘yung magagaling,” sambit pa ni Direk Joel.
Ang Bhoy Intsik ay isa sa limang finalists ng Sinag Maynila 2017 na mapapanood na simula March 9-14 sa SM Megamall, SM North Edsa, Gateway, at Glorietta 4 cinema.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio