Thursday , November 30 2023

Seklusyon, pinuri ng US entertainment magazine

Samantala, isa munang horror film ang handog ng Reality Entertainment sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2016, ang Seklusyon na ukol sa apat na dyakono na haharap sa isang matinding pagsubok o kung hanggang saan ang kanilang pananampalataya.

Ang Seklusyon ang bukod tanging horror-film entry sa MMFF na tunay na kapana-panabik at nakakikilabot.

Kilala ang multi-awarded director na si Matti sa paggawa ng mga de-kalidad ng pelikula tulad ng On The Job at Honor Thy Father. Hindi na rin bago si Direk Erik sa mga pelikulang horror. Nagsimula siya sa pagdidirehe ng seryeng pantelebisyon na Kagat ng Dilim, ang Pa-Siyam na kinikilala hanggang ngayon bilang isa sa kanyang pinakamahusay na obra.

Siya rin ang nagdirehe ng horror-fantasy-box office films na Tiktik: The Aswang Chronicles at Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Ang Seklusyon ay isinulat ni Anton Santamaria na nagtatampok sa apat na promising young actors na sina Dominic Roque, John Vic de Guzman, J.R. Versales, at Ronnie Alonte na siyang gaganap na apat na dyakono na papasok sa bahay seklusyon.

Kasama rin dito ang mga beteranong actor na sina Lou Veloso, Neil Ryan Sese, Elora Espano, Jerry O’Hara, Teroy Guzman, at ang napakahusay na batang aktres na sinasabing puwedeng itapat kay Nora Aunor, si Rhed Bustamante, na rebelasyon sa pelikula bilang miracle healer na si Angela.

Introducing din sa pelikulang ito si Phoebe Walker na gumanap bilang si Madre Cecilia. Kung ating matatandaan, si Phoebe ang nagwaging grand prize winner sa katatapos na Amazing Race Philippines.

Kamakailan, nagkaroon ng world premiere ang Seklusyon sa IFFAM.

Sa kabilang banda, binigyan naman ng positibong rebyu si Matti ng  The Hollywood Reporter na si Clarence Tsui.

Aniya, “a grainy, gory parable about the triump of evil.”

Sinabi pa nitong, “Seclusion drips with a ferocity about how false messiahs manipulate meek minds who, as the film’s finale suggests, then propel even more malicious pretenders onto the pedestals of power. The film is Matti’s call for an awakening, and it certainly stirs with spine-tingling moments aplenty.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Princess Revilla

Princess Revilla focus sa pagtulong at ‘di pagpasok sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAHIYAIN pa rin hanggang ngayon ang ikatlo sa kapatid ni Sen. …

Lotlot de Leon Janine Gutierrez Andres Muhlach

Lotlot naiyak sa pagwawagi ni Janine; Andres Muhlach pinagkaguluhan sa 6th The EDDYS ng SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DALAWANG Best Actress at Best Film ang nagwagi sa katatapos …

Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Ate Vi wala pa ring makakakabog

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AFTER six years ay naganap nga ang Fan’s Day ni idol-kumare-Star …

Marissa Sanchez

Marissa aarte na lang, ayaw nang kumanta

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGAGANAP sa December 8 sa Samsung Hall ng SM Aura ang …

Vilma Santos

Vilmanians pinaglaanan ng maraming oras ni Ate Vi 

I-FLEXni Jun Nardo TUWANG-TUWA ang fans ni Vilma Santos-Recto sa mahabang oras na inilaan ng kanilang idolo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *