Friday , June 2 2023

Pambato ni PNoy si Roxas na nga ba?

Marami ang nagsasabing kahit i-endorso ng Malakanyang si DILG Sec. Mar Roxas ay pupulutin pa rin sa kangkungan ang asawa ni Korina Sanchez sakaling magtapat nga silang muli ni Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential election.

Malinaw sa mga pahayag at obserbasyon ng mga political analyst sa bansa na kung nabigatan si Roxas noong 2010 election kay Binay ay mas mahihirapan itong maka-bwelta o makabawi sa dating alkalde ng Makati City at isa sa mga tapat na alipores ni Tita Cory dahil sangkatutak daw na sablay ang ginawa ng naturang kalihim nitong mga nagdaang taon sa administrasyon ni PNoy.

Hindi kasi malilimutan ng madlang pipol ang pamumulitika ni Roxas noong panahon ng Yolanda sa Tacloban na kung saan nakunan ito ng video.

Bukod daw sa kapalpakan sa paghahanda at pag-aksyon matapos ang Yolanda ay kapansin-pansin daw na lalong lumala ang krimen sa bansa dahil tuloy-tuloy ang patayan at bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng dako ng ‘Pinas.

Maging ang mga bataan nito sa Liberal Party na nakaupo ngayon sa pwesto ay walang naging impact sa gobyernong Aquino sa usapin ng pag-lilingkod bayan kaya’t kung bibigyan daw ng grado ang grupong dilawan ay sadsad daw ito.

Maging ang pagtayo at pagsasalita ni Caloocan Rep. Egay Erice, na isang kilalang tsuwariwariwap ni Roxas sa Kamara nitong nakalipas na araw para banatan si Binay ay hindi nakatulong para iangat ang trono ni Roxas dahil kabaligtaran daw ang naging dating nito sa publiko.

Simple lamang ang naging pagbasa ng publiko sa ginawa ni Erice at iyan nga ay ang maagang pamumulitika ng grupong Roxas. Halatang-halata naman daw kasi ang motibo kaya’t dedma lang ang taumbayan dahil mukhang isang produkto ng kabobohang diskarte ang ginawa ng mambabatas ng Caloocan , na napapabalitang tatakbong muling mayor ng lungsod.

Sabi ng mga tambay na may diskarte, ang dapat daw ginawa ng LP ay hindi si Erice ang ginamit sa pambanat kay Binay at bagkus ay kumuha ito ng isang kongresista na kakampi o miyembro ng independent group sa Mababang Kapulungan upang siyang gumawa ng birada kay VP.

Mga aral na dapat tandaan ng LP sa susunod na kabanata dahil wala na silang panahon pa para magkamali dahil kalaban nila ang oras sa ngayon.

Alam nilang iilang panahon na lang si PNoy sa Malakanyang kaya’t dapat silang maging maayos at produktibo dahil baka sa halip na si Roxas ang ipambala sa kanyon ni PNoy sa 2016 ay mag-Binay pa ito o Grace Poe dahil naghahanap din ng kasiguraduhan na hindi siya magagaya sa pagkakahoyo nina Erap at Ate Glo.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ sa TV5 na mapapanood 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASADO na ang  paglipat ng iconic show nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. At ang …

SM City Bataan

SM City Bataan: Another growth center and gateway to the province

SM City Bataan reflects the values of the local community with over 96% of the …

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *