Saturday , January 28 2023

Mukhang nag-iiba na ang ihip ng hangin sa Malakanyang? (Kay Binay na ba si PNoy?)

HINDI kasi inaasahan ng marami nang banggitin ni Pangulong Noynoy Aquino si VP Jojo Binay na kanyang nakasama nang sila ay tambangan noong 1887 kudeta.

Kakaiba ang nasabing pahayag ni PNoy dahil mukhang patungo na sa endorsement kay Binay ang pagpaparamdam ng Pangulo dahil malinaw pa sa sikat ng araw na talagang may pinagsamahan ang Binay at mga Aquino.

Sa madaling salita, matagal na ang relasyon ng dalawang angkan at diyan mukhang dehado si DILG Sec. Mar Roxas dahil hindi naman ganoon kalalim ang kanilang pinagsamahan.

Bukod sa matagal ang relasyon ay malinaw na dugo ang ipinuhunan ng bawat isa kina Aquino at Binay kaya’t hindi na tayo dapat mabigla sakaling si Binay ang bitbitin ng Pangulo sa 2016.

Maliban sa pagbibigay ni Roxas sa kanyang ambisyong maging pangulo noong 2010 ay wala na tayong alam na malalim na pinagsamahan nila ni PNoy at dito daig siya ng mga Binay.

Matatandaan din mayroong history ng ganitong ugali ang mga Aquino matapos iwanan o hindi i-endorse ni Tita Cory si Ramon Mitra noong 1992 election at sa halip si Fidel Ramos ang kanyang binitbit sa pampanguluhang halalan.

Maliwanag na nangingibabaw ang pagtanaw ng utang na loob sa mga Aquino at iyon ang dahilan kung bakit nila binitbit si Ramos dahil isa sa mga nagtanggol sa kanila sa ilang kudetang naganap habang nasa Malakanyang ang asawa ni Ninoy.

‘Yan ngayon ang dapat basahing mabuti ng mga loyalist ni Roxas dahil kung magtutulog-tulugan lang sila, malamang magulat sila sa magiging kaganapan lalo pa’t hindi man lamang nabanggit ni PNoy ang kalihim ng DILG sa kanyang SONA.

Mga kaabang-abang na pangyayari sa mga susunod na mga araw dahil kung pagbabasehan natin ang tono ng sinabi nina Binay at ni Cong. Toby Tiangco, tagapagsalita ng oposisyon, mababakas ang pagiging malamya nila sa pagpuna sa nakaraang SONA ni PNoy.

***

Ibang klase rin ang pag-aksyon ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi.

Kaagad niyang pinalitan ang mga punong nasira ng bagyong Glenda sa pamamagitan ng pagtatanim ng 200 Banaba trees.

Kakaibang malasakit ang ipinakita ni Fresnedi sa kapaligiran at diyan dapat saluduhan ang alkalde dahil bukod sa kilala siyang enviromentalist ay nakatuon din ang atensyon niya sa kalusugan o tamang nutrisyon ng kanyang nasasakupan.

Sa ngayon, prioridad ni Fresnedi na tulungan at turuan ang kanyang mamamayan ng tamang nutrisyon dahil buo ang paniniwala ng alkalde na ang taong may malusog na pag-iisip at pangangatawan ay malaki ang maitutulong sa kanyang tahanan at pamayanan.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Netizens wagi sa ABS-CBN, GMA, VIU collab

RATED Rni Rommel Gonzales PAYANIG ngayong 2023 ang groundbreaking series na Unbreak My Heart dahil nagsanib-puwersa ang GMA, ABS-CBN, …

Marian Rivera Boy Abunda

Marian pasabog ang mga sagot kay Kuya Boy; feeling sexy ‘pag hinahalikan ni Dong sa paa

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAAALIW at pasabog ang mga sagot ni Marian Rivera kay Boy Abunda sa first episode …

Alden Richards Boy Abunda Julie Anne San Jose Julie Anne San Jose

Alden inamin kay Kuya Boy, Winwyn at Julie Anne niligawan

I-FLEXni Jun Nardo NAPIGA ni Boy Abunda si Alden Richards para magsalita tungkol sa artistang pinormahan nang mag-guest siya …

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Leave a Reply