Wednesday , May 18 2022

Binay dapat nang magdesisyon Masyadong naninigurado si VP Jojo Binay.

00 BANAT alvin

Ito kasi ang nakikita nating laro ng ating pa-ngalawang pangulo ng bansa dahil hanggang ngayon ay wait and see pa rin siya sa laro ng Malakanyang lalo na ng Pangulong Noynoy Aquino.

Bilang pangalawang pangulo ng estado ay marapat lamang siyang makitaan ng drastikong hakbang at desisyon hinggil sa pagpapalakad ng Pangulo dahil mayroon siyang mandato at obligasyon sa taumbayan.

Sa ipinapakita kasi ng pangalawang pangulo ng bansa ay halatadong inaantay niya ang desisyon ni PNoy na may kaugnayan sa 2016 kaya naman lahat ng kanyang hakbang at pahayag ay maikokonsidera nating play safe.

Hindi na biro ang nagdaang isyu ng DAP at PDAP kaya naman hinahanapan na siya ng mamamayan.

Sinasabi niyang siya ang lider ng oposisyon pero sa ating pananaw ay malinaw na kakampi pa rin siya ng administrasyong kasalukuyan dahil wala siyang matapang na pahayag sa mga isyung nagpapahirap sa taumbayan.

Panahon na para magdesisyon si Binay dahil hindi naman deserving ang Pilipino sa ganitong lider na mistulang pinaiikot ang bayan at samba-yanan para lamang sa kanyang sariling kapaka-nan.

Ang kailangan ng bayan ay isang pinuno na may tunay na malasakit sa tao kaya’t panahon na para ipahayag ng pangalawang pangulo kung siya ba ay kaanib ng administrasyon o lider ng oposisyon.

***

Maganda ang ipinakikitang tulong ng Muntinlupa City sa pangkalahatan kapakanan ng Metro Manila.

Sila kasi ay pumayag para paglagyan ng terminal ng bus galing ng Southern Tagalog at mga bus rin na naglalagari sa EDSA.

Medyo mabigat ang magiging pasaning ito ng siyudad pero dahil nga likas na matulungin si Mayor Jaime Fresnedi ay tinanggap niya ang hamon ng bayan. ‘Yan dapat ang ugali ng pinuno ng bansa dahil ito ngayon ang kailangan ng ating bayan, hindi iyong lider na pabigat pa sa ekonomiya ng estado.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

Taguig

Sariling eco bags hinikayat sa Taguig mobile market

NANAWAGAN ang local government unit (LGU) sa mga mamimili sa Mobile Market na magdala ng …

MMDA MMRF Recyclables Mo Palit Grocery Ko

Recyclable materials nakolekta ng MMDA

NAKAKOLEKTA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 224.70 kgs recyclable materials mula sa Barangay …

Romania

Laban sa illegal recruiters
OFWs SA ROMANIA BINALAAN NG POLO SA MILAN

PINAG-IINGAT ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Milan ang mga Filipino laban sa mga …

Rufus Rodriguez

Canvass tuloy — Rodriguez

SINABI ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ngayon, may mandato …

051822 Hataw Frontpage

Hirit sa Supreme Court
TRO VS VOTE CANVASSING, PROKLAMASYON NI MARCOS, JR.

ni ROSE NOVENARIO NAIS ipatigil ng isang grupo ng petitioners sa Korte Suprema ang nagaganap …

Leave a Reply