KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumasaklaw sa 26 units ng bus habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng malagim na aksidente sa Tuba, Benguet noong 30 Mayo 2026. Sa opisyal na pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang kompanya sa pamilya ng namatay at panalangin para sa paggaling ng mga sugatan. …
Read More »Blog Layout
Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON
ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez ang pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at ang sama-samang pagsisikap ng mga miyembro at kawani ng House of Representatives sa pagtaas ng tiwala ng publiko sa Kamara, na aniya’y nananatiling nakatuon sa mga reporma at pagtupad sa mga tungkuling itinakda ng Konstitusyon. …
Read More »Jinggoy balik-hoyo sa kasong plunder
HATAW News Team ITINULOY ng mga awtoridadang pag-arestokahit sinabing boluntaryong sumuo si Sen. Jinggoy Estrada sa PNP – Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na nagtungo kahapon sa Senado para isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong Plunder at Graft kaugnay ng P573-milyong flood control scandal. Hindi pinapayagang makapaglagak ng piyansa ang akusado sa …
Read More »Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open
NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle Madis ang kampeonato sa kani-kanilang dibisyon sa kauna-unahang Palawan Open na ginanap sa Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Maynila noong Linggo. Pinatunayan ni Papa ang kanyang husay matapos talunin si Alberto Lim Jr., 6-4, 6-4, sa men’s singles final. Dahil sa kanyang tagumpay, naiuwi …
Read More »10 na patay sa gumuhong gusali sa Angeles City
UMABOT na sa 10 ang bangkay na nakuha ng mga search and retrieval team mula sa gumuhong itinatayong 9-storey building nang makarekober ng apat pang katawan kahapon sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga. Sa ulat ng Angeles City Information Office, dakong 7:50 ng umaga nitong Linggo nang marekober ang ikapitong bangkay sa Quadrant 2 ng gumuhong gusali habang ang ika-walong …
Read More »Mula sa Navotas LGU
Graduates nakatanggap ng financial assistance
NASA 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa habang may 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa, bilang bahagi ng pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin sa bawat pamilyang Navoteño. Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod …
Read More »Sa Muntinlupa
Bebot arestado sa P1.08-M shabu
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 20-anyos babae na naaktohang nagbebenta ng P1.08-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover agent sa lungsod ng Muntinlupa, nitong Biyernes, 29 Mayo. Dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station (CPS) ang suspek na kinilalang si alyas Madam, nakatala bilang high-value drug suspect, dakong 9:15 ng gabi …
Read More »Pahayag ng NBI
Subpoena sa misis, walang kinalaman sa manhunt kay Bato
KLINARO ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Linggo na walang kaugnayan sa paghahanap kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang posibleng pagpapatawag nila kay Nancy dela Rosa. Ang pahayag ay kasunod ng naunang paghimok ni Senador Panfilo Lacson sa NBI na huwag ituloy ang summons, na maaaring ituring na harassment, pagpapakita ng kawalan ng kakayahan sa …
Read More »28-M estudyante papasok sa 8 Hunyo 2026 – DepEd
AABOT sa 26 hanggang 28 milyong estudyante ang mag-e-enroll para sa School Year (SY) 2026–2027. Ito ang pagtataya ng Department of Education (DepEd). Inihayag ito ni DepEd Assistant Secretary Jocelyn Andaya kasunod nang nalalapit na pagbubukas ng klase sa susunod na Lunes, 8 Hunyo. Tiniyak ni Andaya na mayroon silang sapat na bilang ng mga teaching at non-teaching personnel …
Read More »El Niño posible hanggang Disyembre
Publiko pinayohang magtipid, mag-recyle ng tubig, at mag-imbak mula sa ulan
PINAALALAHANAN ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mas mababa na sa minimum operating level ang Angat Dam — ang pangunahing pinagkukuhaan ng tubig sa Metro Manila. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., bumagsak sa 173.4 meter ang water level ng Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com