Tuesday , June 23 2026
Victory Liner Electric Bus e Bus

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumasaklaw sa 26 units ng bus habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng malagim na aksidente sa Tuba, Benguet noong 30 Mayo 2026.

Sa opisyal na pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang kompanya sa pamilya ng namatay at panalangin para sa paggaling ng mga sugatan.

“Kaligtasan ng pasahero ang aming pinakamataas na prayoridad,” diin ng pamunuan.

Ipinahayag ng Victory Liner ang buong pakikipagtulungan sa imbestigasyon, kabilang ang pagsumite ng maintenance records, operational reports, at iba pang dokumento.

Klinaro a paunang resulta pa lamang ang lumabas at patuloy ang masu­sing pagsusuri bago maglabas ng pinal na konklusyon.

Mahigit 75 taon nang naglilingkod ang Victory Liner sa Luzon, at iginiit nilang patuloy ang pamumuhunan sa modernisasyon ng fleet, preventive maintenance, at pagsasanay ng mga driver.

Nakikipag-ugnayan sila sa mga ospital at insurance providers upang matiyak na agad na matutulungan ang mga apektadong pasahero.

Habang suspendido ang ilang bus, tiniyak ng kompanya na nagsasagawa sila ng internal review sa kanilang safety protocols at fleet management.

“Nananatili kaming nakatuon sa transparency, pananagutan, at patuloy na pagpapabuti ng serbisyo,” dagdag ng pamunuan.

Sa huli, nanawagan ang Victory Liner ng pang-unawa sa publiko at muling iginiit na ang tiwala ng riding public ang pundasyon ng kanilang operasyon—isang tiwalang nais nilang patuloy na pagyamanin sa pamamagitan ng ligtas at maaasahang transportasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …