
HATAW News Team
ITINULOY ng mga awtoridadang pag-arestokahit sinabing boluntaryong sumuo si Sen. Jinggoy Estrada sa PNP – Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na nagtungo kahapon sa Senado para isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong Plunder at Graft kaugnay ng P573-milyong flood control scandal.
Hindi pinapayagang makapaglagak ng piyansa ang akusado sa Plunder case.
Inilabas ang warrant kahapon Lunes, 1 Hunyo, ilang araw matapos magpiyansa si Estrada ng P90,000 para sa hiwalay na kasong graft.
Kasama sa mga ipinaaaresto sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, at mga DPWH engineers na sina Denryl Cortuna, Manny Bulusan, at Arturo Gonzales, Jr.
Idiniretso si Estrada sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame para sa booking procedures at pagkatapos nito ay dinala ang senador sa Sandiganbayan para sa return of warrant kung saan nabatid na ang senador ay ikukulong sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Samantala si Bonoan ay isinugod sa PNP hospital sa Camp Crame nang tumaas ang blood pressure sa 192/100.
Noong 29 Mayo, inutusan ng Second Division ng Sandiganbayan ang aresto kay Estrada sa kasong graft. Nagpiyansa siya sa parehong araw.
Isinampa ng Ombudsman ang Plunder at Graft cases noong 28 Mayo.
Kasama sa mga akusado si Bonoan, na nagpiyansa noong 29 Mayo.
Ikatlong beses itong naharap si Estrada sa high-profile plunder charge. Noong 2001, kasama ang ama niyang si dating Pangulong Joseph Estrada sa kaso kaugnay ng jueteng. Noong 2014, kinasuhan siya sa PDAF scam. Naabsuwelto siya sa parehong kaso.
Si Estrada ang ikatlong mambabatas na kinasuhan kaugnay ng flood control projects, kasunod nina dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at ang dating congressman na si Zaldy Co.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com